Pages - Menu

Monday, December 31, 2012

Putukan 2012

Bigla kong naalala 'yung kinuwento ni Pareng Lourd minsan habang nagyoyosi kami sa panaginip ng alaga n'yang aso na isang oras daw bago matapos ang taon, taun-taon ay isinusulat n'ya ang lahat ng mga mahahalagang bagay na nangyari sa buhay n'ya para sa taong iyon. Gusto ko sanang makisawsaw sa munting trip pero tinatamad ako at pakiramdam ko talaga'y napaka-abala kong tao kahit wala naman talaga akong ginagawa. Araw-araw. Kaya ganito na lang siguro mga katoto: Maligayang bati na lang sa inyong lahat.

Pero putang ina mukhang kailangan ko talagang sabihin 'to bago tumaob lahat ng matitibay na lamesang matagal ng nakahambalang sa tarangkahan ng mga tunay na mayayabang, na sa kasamaang palad ay hirap na hirap talaga akong makapasok bilang napaka-mapagkumbaba kong tao na nilalang ni Papa God. Kung ano mang kaligayahan, katarantaduhan at kawalanghiyaan ang dumaan sa papaalis na taon, nais ko lang na malaman n'yo na: 1) Gusto kong magpasalamat sa lahat ng taong laging may interes na makisilip at makiusyuso sa buhay ko. Mga putang ina ninyo, kahit bali-baligtarin natin ang mundo, ipinanganak talaga akong espesyal. 2) Walang magbabago sa pagiging saksakan ng gwapo ko at hindi na talaga mabubura 'yun kahit maging kasingtaba ko pa ang putang inang tatay mo. 3) Hindi na lalaki ang maitim, maliit at baliko kong etits pero mas lalong maraming kababaihan ang gustong sumubo dito at hindi ko sila lahat papansinin dahil mag-aasawa na ako sa lalong madaling panahon. 4) Mukhang hindi na talaga ako magkaka-abs pero ramdam ko naman na makakamit ko na ang beast mode na matagal na panahon ko na ring inaasam-asam. 5) Magkagalit-galit na tayong lahat at magkalimutan, bahala na kayo sa mga buhay n'yo. Kilala ko ang mga taong tunay na may puwang sa puso ko kahit wala ako sa kanila. At panghuli, Oy! 'yung putang inang batang iskul bukol na maraming nag-akalang hindi makakatapos ng pag-aaral, heto engineer na ngayon kahit wala pa ring trabaho pero handang handa nang yumaman.

Kaya kayo, mga putang ina ninyo, maligayang bagong taon sa inyo!

4 comments:

  1. ayos! hehehe

    Happy Happy New Year ^^

    ReplyDelete
  2. HAPPY NEW YEAR!
    MORE POWER TO http://www.theiskulbukol.blogspot.com

    ReplyDelete
  3. Wahahaha! HAPPY NEW YEAR parekoy!

    Hindi naman obvious na lasing ka habang isinusulat mo ito haha!

    ReplyDelete
  4. mukhang solb na solb 'yung celebration niyo nung new year adre.. hehehe.. happy new year sa ating lahat..

    ReplyDelete