Pages - Menu

Friday, December 7, 2012

Rubadabango!

Naniniwala ako na malaki ang maitutulong nang pagsasabi mo sa mga kapit-bahay n'yo na Downy ang gamitin nilang pang-anlaw sa mga labada nila para makaiwas sa mga gulo at makabuo ng perpektong samahan sa komunidad ninyo.

Pero higit sa payong nakasulat sa itaas, ang nangunguna pa ring pormula sa magandang pagsasamahan ng magkakapit-bahay ay ang pagsunod sa golden rule na "Bawal mag-siga kapag may sinampay!". Hindi na dapat pagdebatehan pa kung bakit at kung anong gulo ang maaaring maidulot nito. At kung inaalala mo naman na walang nagsisiga sa lugar ninyo at hindi talaga applicable ang isang 'to, iwasan n'yo na lang sigurong masunog ang bahay n'yo kapag alam n'yong may sinampay ang mga kapit-bahay ninyo.

4 comments:

  1. hahaha, dati may kapit bahay din kaming pasaway. kung kelan may mga nakasampay na damit sa labas, saka naman nagsusunog ng mga tuyong dahon dun lang din malapit sa sampayan namin. amf. tamang pang bwisit lang lols gusto ko pa ngang barahin na hindi punong mangga ang sinampay namin para pausukan :D

    ReplyDelete
  2. trending ang rubadabango.. hehehe..

    tae talaga samin din sa province uso ang siga..kaya di uso si downy.ala din sense..

    ReplyDelete
  3. olats na kami na "joy" ang ginagamit na pambanlaw.. hehehe

    ReplyDelete
  4. sana kapitbahay ka na lang namin teh!

    ReplyDelete