Pages - Menu

Friday, February 1, 2013

Camaraderie

Noong nakaraang Byernes, noong isang linggo, January 25, 2013 para maging sakto, ay nalapatan na naman ng lason ang sikmura ko. Munting selebrasyon para sa kaarawan ng dalawang tropa. Mairaos lang ba, kahit ang totoo'y may nagkatampuhan pa. Ang lalaking tao, mga nagsusuyuan at nagpapaartehan pa.

Walang Red Horse, kaya Colt 45 ang inupakan namin. 100 pesos ang apat na bote, mura kung tutuusin kaya hindi ko na rin matandaan kung naka-ilang bucket kami. Sa tambayan ng mga 'dong at 'day nga pala kami nag-inom, para maiba naman at hindi lang puro sa bakuran ang pwesto. Isa pa, nakakasawa na rin ang puro Empi at chicharon na pulutan.

Kwentong walang kwenta, yosi, inom, tawa, paulit-ulit lang tulad pa rin ng dati. At pagsapit nga ng alas-dose, paglipas ng ilang oras na kwentuhang baduy, ay nagmala-Cinderella na ako. Pero matino naman akong nagpaalam na kailangan ko nang sumibat dahil may lalakarin pa ako. Oo, alas-dose talaga ng gabi nakatakda ang "lakad" ko noong araw na 'yun.

"'Tol, ano? Uuwi ka na ba? Ihahatid na kita sa sakayan. Aba, baka makumpaano ka pa eh. Maynila ito."

"Magtext ka budz kapag nakasakay ka na at kapag naandun ka na sa tropa mo sa Taytay."

"Kaya mo ba talaga? Hatid ka na namin."

"Mamaya ka na umuwi, uubusin pa natin ito."

At kung anu-ano pang kabaklaan na kahit papaano nama'y mararamdaman mo na bukod sa tatay mo ay may mga lalaking nagmamahal sa'yo. Pero sa lahat ng mga shit na lumabas sa bunganga ng mga tropa ko noong sandaling iyon, pati na rin siguro sa bunganga ng mga tropa't nakainuman n'yo, itong shit na ata ni Koyak ang pinaka-TNL sa lahat.

"May yosi ka pa ba d'yan? Magbaon ka ng tatlo. O sige, umuwi ka na."
 

4 comments:

  1. haha mga adik! buti nakauwi ka pa at hindi ka nagkalat ng taho at binatog sa sahig nyo XD

    ReplyDelete
  2. bromance no homo naman yun, tanggap na yun.. hehehe

    ReplyDelete
  3. kay lalambing naman ng tropang yan! hakhak

    ReplyDelete
  4. Mas natutuwa talaga ako sasamahan ng mga lalaki kesa sa friendship ng mga babae. Haha iba eh di ko alam kung bakit hahaha

    ReplyDelete