Pages - Menu

Thursday, February 28, 2013

Pressured

Napapadalas ang pag-uulam namin ng tuyo at itlog dito sa bahay kahit hindi agahan. 'Pag nakakaluwag-luwag, may kasamang kamatis 'yung tuyo, pero kapag wala, suka lang. 'Yung itlog naman eh babatehin lang para magkasya sa aming tatlo. Ketchup naman ang sawsawan ng itlog kapag meron, pero mas madalas ay toyo. Minsan nga isang beses napasarap kami ng kain kahit dalawang binateng itlog lang naman ang ulam. Sangkatutak pa ang kanin pero ubos na ang itlog, at gutom pa kami pare-pareho. Para makaraos, kanya-kanyang patak na lang ng toyo sa kanin. Walang kibuan pagkatapos. Nagpakalunod na lang kami sa tubig para busog na busog.

Walang halong biro 'to kahit lagi akong lasing, super pogi at mataba. Peksman, cross my heart pa. At dahil nga dito, lalo akong na-pressure sa paghahanap ng trabaho. Hehe.

4 comments:

  1. awww... kung malapit lang ako sa inyo padalhan kita ng sardinas at noodles :D

    naku seriously, hope you'll find a new job soon. mahirap talaga ang buhay ngayon parekoy. makakaraos din kayo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa awa naman ng Diyos, tinolang manok ang ulam namin ngayong araw. Hehe!

      Delete
  2. Kung kailan pa naman limited edition ang lahat saka masarap kumain. Gaya nga ng sinabi ko....alam mo na yun! =) Makakaraos din tayo.

    ReplyDelete