Pages - Menu

Tuesday, February 5, 2013

Sidewalk

Doon na lang daw ako mag-focus sa tinatawag na bright side. Bulong sa akin ng sarili ko isang umagang nakatambay sa paborito kong spot sa hindi kalayuan na palayan, habang mahinahon at pilit na pinakakalma ang sariling isip sa pamamagitan ng yosing katas ng baryang inumit sa pitakang pakalat-kalat sa silid ng aking kapatid.

Isina-isang tabi ko muna ang karera, pera at pamilya, tsaka itinuon ang pansin sa sariling damdamin. Umeepekto naman ang lahat, dahil unti-unti'y nakukumbinsi ko na ang aking malay na ganoon na lang nga ang gawin; kumalimot, umusad, at makisayaw sa galaw ng bawat pangyayari.

Masama man daw o mabuti, may dahilan ang bawat kaganapan sa buhay ng isang tao. Gasgas na, pero sa mga panahong tulad nito, diretsong-diretso ang pagsang-ayon ko. Kinakalabit na naman ako. At sa puntong 'to, mukhang tuluyan ng naubos ang pasensiya ni boss.

Naglaro ang isang tanong sa ulo ko pagkatapos kong ibato ang puwitan ng yosi sa isang bunton ng tuyong damo. Saan ko nga ba magagamit ang karanasang ito na muling pumunit sa akala ko'y solido ko ng dibdib?

Napangiti ako. Siguro nga'y para 'to sa mas magagandang kwento sa susunod na kabanata ng buhay ko. Isang mahabang kabanata, pero maraming pagbabago. Ako ang lalapit, ako rin ang kikilos at mahihirapan. Dahil sa unang pagkakataon, hindi na sapat ang pagpapa-cute lang at matatamis na salita. Nakatubog na ako sa mahabang laban na walang kasiguraduhan.

Kapag malalim na ang samahan at matitibay na ang sanga't ugat ng punlang pinaghirapan, tsaka ko na lang siguro sasabihing maliit, maitim at baliko ang tite ko pero pangako, solo mo na 'to.

3 comments:

  1. tama yung si phioxee adre, enjoy-enjoy lang.. magpatangay sa agos.. bahala na justice league kung saan ka madala.. hehehe

    ReplyDelete
  2. Una sa lahat, natuwa akong magpakain ng mga isda dito. hahaha. ganyan talaga ang buhay.

    ReplyDelete