Pages - Menu

Saturday, February 16, 2013

Tae Gang

Walang pinipiling panahon ang nakawan. Basta kapag may pagkakataon, hindi ka man likas na magnanakaw, kapag inabot ka naman ng inggit, tukso at kati ng kamay, yari na! Klepto kapag nagmula ka sa may kayang pamilya, kriminal naman kapag dukha ka; magnanakaw, mang-uumit, makati ang kamay at kung anu-ano pang shit. Pero para sa mga propesyunal sa ganitong larangan, ang pagnanakaw ay isang sining; sining ng katarantaduhan at paghahanap-buhay. Isang larong kailangang planuhin ng husto; ang oras, tyempo, pwesto, papel na gagampanan ng bawat miyembro ng grupo, at kung anu-ano pa ulit na shit para maisakatuparan ang maitim na plano.

Manok, kalapati, kalabaw, asawa, pera at kung anu-anong bagay na mainit sa mata ang madalas pagdiskitahan ng mga small time tirador dito sa lugar namin. ‘Yung iba panggap na bote-bakal, pero naniniktik na pala. Karamihan, basta-nakaw na lang kapag inatake na ng sakit. Marami ang nawawalan, pero madalas kakaunti ang nasasakote. Dahil na rin siguro sa kawalan ng testigo at mga ebidensiya na makapagtuturo sa paiba-ibang tao o grupo ng magnanakaw. Walang palatandaan, madulas, o sadyang mga one-time magna lang.

Noong mga nakaraang taon ay may isang grupo ng kabataan dito sa lugar namin ang biglang gumawa ng pangalan na may kinalaman pa rin sa pagnanakaw. Kabilang sa mga napabalitaang inatake ay ‘tong isang tindahan na malapit sa elementary school. Pinudtrip ang lahat ng p’wedeng i-foodtrip! Nilimas ang perang naiwan sa kaha. Tinangay ang ilang panindang madaling bitbitin. At ang pinaka-dabest na nangyari, tinaihan ng grupo ang mga panindang diaper at tsaka iniwang nakatiwangwang hanggang langawin sa loob ng naturang tindahan.

Ang sumunod naman na naging biktima ay ang mismong elementary school. Na-tyempuhan ang isang silid (H.E room) na madaling pasukin at tyempo rin na noong mga panahong iyon ay uso ang mga latang sisidlan ng barya para sa pagkakawang-gawa. Tinangay ang mga latang puno ng barya, at muli ay nag-iwan na naman ng mga bakas. Sa pagkakataong ito, hindi na sila gumamit ng diaper tulad ng nauna nilang ginawa sa tindahan. Dahil mga kaldero at kawali naman ang naispatan nilang bahiran ng ebak. Ang dalawang nakawang naganap na ito ay madaling napagkonekta sa tulong ng mga tae nila, na naging dahilan din para sila ay mabansagang “Tae Gang”. Hindi ko lang alam kung nag-match ang mga sample ng DNA na nakuha sa mga ebak o 'yung kulay, hugis at amoy na lang ang pinagbasehan para masabing iisang grupo nga ang may kagagawan ng dalawang nakawang naganap.

At kahapon nga ng umaga, habang patanga-tanga lang ako sa harap ng computer at patuloy na nag-iipon ng taba sa katawan lalo sa parteng tiyan, ay bigla akong may naamoy na kakaiba. Hindi naman sa kilikili ko nagmumula ang amoy, dahil hindi naman amoy putok, pero masangsang. Nagpasya akong lumabas ng bahay para tingnan kung anong meron. May nagliliparang mga langaw, na bago sa akin dahil wala naman kaming alagang langaw sa bakuran namin, pero marami akong kababayan na mukhang bangaw, at ibang usapan na ‘yon. Sinuri ko pa ang paligid at laking gulat ko nang biglang bumulaga sa akin ang tatlong karima-rimarim na taeng ‘to.














Hindi ko makumbinsi ang sarili ko na tae ‘to ng aso, dahil hindi naman talaga kapani-paniwala. Isa pa, wala naman kasing plastik na kasama, at putang ina ang baho talaga. Dito na nga pumasok sa isip ko ang matunog na grupong Tae Gang! Madali ako, hindi sa paghahanap kung may nawalang gamit sa bahay namin, ku'ndi sa pagkuha ng daspan at walis para tabunan ng buhangin ang putang inang mga taeng ‘to. Sa awa naman ng Diyos, hindi kami nawalan. Bagkus ay nabiyayaan pa ng mumunting mga pataba para sa mga halaman.

Ang dami ko pang shit binanggit, eh ibabalita ko lang naman na may tumaeng balasubas sa bakuran namin. At pramis, hindi ako 'yun.

3 comments:

  1. err! ang gross naman ng walang hiyang grupo ng magnanakaw. dapat pag nahuli at na proved na sila yung gumawa taehan yung mukha eh. it's so clear na enjoy na enjoy nila ang pagnanakaw. di lang dahil nangangailangan sila.

    ReplyDelete
  2. BULL SH*T! LITERALLY! THEY ARE SO INHUMAN! LOL!

    ReplyDelete
  3. eeeeeks halimaw sa pagka kadiri yung mga magnanakaw. tahiin ang mga pw*t pag nahuli.char!hahaha

    ReplyDelete