Pages - Menu

Wednesday, February 13, 2013

Serbisyo Publiko

Para sa mga bebots at kelots: Kung nais n'yo pong dibdibin ang magaganap na Valentine's Day bukas o 'yung tinatawag na araw ng mga nagkikiskisang mga nguso, kahit wala naman kayong mga dibdib, higit sa lahat ay wala kayong mga syota, gusto ko lamang pong ibalita't ipaalam na bukas po ang aming bakuran para sa isang gabing inuman. Paki-kontak na lang po ako para sa mga interesadong sawi sa pag-ibig at nang maibigay ko ang detalye kung paano pumunta sa mansyon namin. Walang tokis 'to. Maraming salamat! At maligayang yugyugan sa lahat ng may minamahal at nagmamahal!

Nga pala. Pagtiyagaan n'yo na lang muna siguro 'tong munting alaala ng aking balentayms noong nakaraang taon: "Sa piling ng mga lamok at isang pirasong katol." Buh-bye~

1 comment: