Pages - Menu

Tuesday, March 5, 2013

Artist of the Month

Gusto ko sanang besprenin ng solid 'tong munti kong espasyo sa sankainternetan magmula ngayong araw, kahit magha-hating gabi na talaga. Tipong super open kami sa isa't isa at tight talaga ang relasyon. Parang diary, o kaya mag-asawa. O kaya naman eh parang p'wet at pekpek ng mga babae sa Cubao. 'Yung tulad dati. Alam mo 'yun.
 
Kaya lang, nagbago naman bigla ang isip ko. Parang chiks. Bukod kasi sa hindi ko alam kung ano ba talaga ang isusulat ko, pakiramdam ko'y masyado pa ring maaga kung magpapaka-writer na ako. Kumbaga sa mangga, hilaw pa, wala pang bunot. Mapakla at wala pang tamis. Sa bayabas naman eh bubot pa. Ulol. Isa pa, iniisip ko pa lang na pang-isang bilyong hangal na kabataan na ako na nabiyayaan lang ng internet ng magulang tapos biglang mamakyaw ng bituin, nasusuka na ako. Omaygad! Lalim amputsa!
 
O sige na nga. Kaysa kung anu-ano pang tae na naman ang ikalat ko, aminin na lang siguro natin na wala talaga tayong talento... sa pagsusulat lang, gago!

6 comments:

  1. 'yung totoo? kasama ang crib mo sa piling-piling katarantaduhan na ninanamnam ko sa google reader. sapat na sigurong pwersa 'yun para kabigin mo ang sinabi mo sa taas, brad. sulong!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tatalunin kita sa SBA ngayong taon! Bwahahaha!

      Delete
  2. Replies
    1. Sinubukan ko kasi kung uubra sa akin 'yung doodle therapy. Tsaka, namiss ko rin kasing mag-ganyan, brader. Hindi mo naitatanong, pinapaabot ko ng isang libo mahigit ang bill ng mga lola ko noon kado-drawing lang ng kung anu-ano sa MS Paint. Huhu.

      Delete
    2. tiyak akong paborito kang apo ng mga lola mo.. hehehe

      Delete
  3. Hanga ako lagi sa pagiging super random mo parekoy haha. Mabibigat ang mga binibitiwan mong mga salita :)

    ReplyDelete