Pages - Menu

Sunday, March 24, 2013

Sitsarong Baboy

Matagal na akong nabubwisit sa ganung galawan. Siguro kasi may pagkaganun din ako, kahit na sa huling pagkakaalala ko naman eh hindi talaga. Paano ko ba ipapaliwanag ng maayos 'to? Ganito na lang siguro.

May isang unggoy noong unang siglo na lumapit sa akin. Approachable naman akong tao kaya wala talagang problema. Kinausap ko. Nagbibiro-biro pa ako noong una. Pakiramdam ko kasi nakakatawa ako kahit na hindi pang-komedya 'tong mukha ko. Okay naman 'yung daloy ng usapan. Ako 'yung nasa depensa, at s'ya naman 'yung sa opensa dahil sa sunud-sunod na mga tanong n'ya. Paano raw ba ang tamang diskarte sa babae? Hindi pa siguro nakaka-kantot 'to at talagang pursigido nang ikalat ang mala-kaong na n'yang modtaks sa pusod ng kung sinong bebot, isip-isip ko. Biro lang, hindi ko talaga naisip 'yun dahil hindi naman ako bastos at s'ya kasi 'yung tipo na laging nagsi-simba at maraming kabisadong linya sa bibliya. Pero parang ganun na nga rin siguro. Sabik na talaga s'yang makatotnak dahil pang-bestfriend at kuya lang ang kaya n'ya at sawang sawa na s'yang magpantasya na nang-gagahasa s'ya sa bawat eksena. Pinairal ko na naman ang pagiging matulungin ko dahil wala naman talaga akong pagpipilian. Nagbibigay s'ya ng sitwasyon, tumutugon naman ako ng payo at kung ano pang shit na dapat n'yang i-improve para umakyat naman ng isang hakbang ang layo n'ya sa mamasa-masang pepe na matagal na n'yang inaasam kahit makakasuhan s'ya ng rape dahil pang-kuya lang talaga ang datingan n'ya.

Ayos naman ang naging takbo ng kaunting tsikahan hanggang sa mapunta na sa akin ang baling ng mga tanong. Kamusta na raw kami ni ganito at ganire, pati na rin ni ganyan. Hindi ko na naman kailangan pang ilihim kaya diretso kong sinagot ang mga tanong. Nagpilit pa s'yang magbukas ng panibagong paksa pero wala ng sustansyang mapiga dahil mukhang nakuha na n'ya ang gusto n'ya sa pag-uusap namin. Nagpaalam na ang loko, hanggang sa muli na lang daw. Pakiramdam ko naman ay nakatulong ako ng bahagya sa isang unggoy na nangangailangan pero hindi ako naging masaya. Siguro kasi'y ramdam ko na hindi ibinilang ni Santaklaws sa listahan ng mga good deed 'yung isang 'yun.

At pagkalipas ng kaunting panahon... Tama lang pala na sa akin nagtanong si unggoy, dahil sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo, dating syota ko pala ang balak diskartehan ng loko.

No comments:

Post a Comment