Pages - Menu

Friday, March 15, 2013

Itago natin s'ya sa pangalang Jovelyn.

Ako na mismo ang nagsasabi sa inyo, nakakatakot ang maghalungkat ng kung anu-anong shit sa lumang email. Samu't saring kwentot lang kasi na sana ay hindi mo na sinundot ang biglang bubulusok ng balik sa alaala mo bungad na bungad pa lang. Nga pala, kinailangan ko lang naman alalahanin ang jejemon kong email address at password dahil sa maniwala ka at sa hindi, may mga importanteng dokumento akong dapat mahagilap na sa pakiramdam ko eh makakatulong sa karera ko bilang, salamat sa Diyos, ganap na tao.

Lumang tugtugin na 'to, pero ang punu't dulo nun ay may kinalaman talaga sa job hunting ko. Naniniwala kasi ako na kung ititigil ko ang pagkahilig sa mga simpleng bagay, na sa kasamaang palad ay inaplay ko pati sa resume kong payat na payat, eh makakakita ako ng trabaho kahit bilang poging bundat na taga-punas lang ng lamesa ng mga future amo ko.

Sa awa ulit ni Papa God, nakita ko naman ang mga dokumentong kailangan ko. Bukod sa mga papeles na may sabit sa OJT at thesis namin, nakita ko rin 'tong sulat na 'to na talaga namang ikinagulo ng bangs ko.

Mahigit isang taon na 'tong bulok sa loob ng dati kong email na nasa pangangalaga ng papalubog ng Yahoo! Bilang ngayon lang naman ako nakatanggap ng ganitong email na puno ng pambobola at kasinungalingan, s'yempre mabilis akong nag-reply. 'Matik din sa bilis ng reply 'yung makina sa kabilang linya na mukhang pinsan ni Lina ng Jobstreet. Hindi na raw aktib ang email address na pinadalhan ko. Lalo tuloy akong nag-alala na baka isa pala ako sa dahilan kung bakit s'ya nawalan ng trabaho. 'Yun lang naman talaga ang concern ko kaya nag-abala pa akong i-broadcast sa inyo na hindi lang kayo ang may fans.

Tsaka pala 'yung laptop at kamera. Malay mo, naka-jackpot na pala 'tong petiks girl na 'to.

3 comments:

  1. kaya hindi na active yung email niya kasi nga tumama na siya sa lotto. mayaman na siya. hindi niya na kialangang mag work . kailangan mong mahanap ang fan mo na ito pare ara ma claim ang camera at laptop.. aahahha

    ikw n may fan. penge ng isa :p

    ReplyDelete
  2. Yun oh! Wish ko may ganda din akong msg e, pero asa pa ang lola mo. LOL Nakakakilig di ba, aminin... :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tao lang naman ako na marunong din kiligin. Kaya nga kahit noong 2011 pa 'to, pinost ko pa rin. Haha!

      Delete