Pages - Menu

Thursday, March 21, 2013

Smaller And Smaller Circles

Magta-tatlong buwan na halos noong huling beses kaming nagkita. May dala pa nga akong pasalubong noon eh. Tender Loving Care lang sana, nang bigla ko namang maisip na mas okay kung 'yung Champ burger na dahil s'ya naman talaga ang kampeon sa puso ko noong mga sandaling 'yon (at bakit bigla atang naging cheese burger). Isa pa'y napag-desisyunan ko rin kasing higitan ng tatlong beses 'yung chicken sandwich na iniabot n'ya sa akin sa bakod. 'Yung walang malay na bakod na naging saksi rin sa nananabik na tingin at matatamis na ngiting nakapaloob habang iniaabot naman n'ya ang librong nasa larawan higit bente kwatro oras pa lang ang nakakalipas.

Tungkol naman sa libro na nagkampeon sa Palanca sa kategoryang English Novel noong '99, hayun at wala pang isang araw ay natapos ko na. Eto ang pinaka-mabilis kong basa para sa isang nobelang may higit isang daan at limampung pahina. Iniisip ko nga kung wala lang ba talaga akong magawa sa buhay kaya nangyari 'yun o maganda lang talaga ang kwento. Pwede rin namang espesyal lang talaga 'yung nagrekomenda't nagpahiram. Parang bagets. Kalimutan mo na lang siguro ang parteng 'to.

Sa kagustuhan kong magmukhang book review (spoiler) pa rin ito kahit halatang-halata namang hindi, pagtiyagaan n'yo na lang sigruo itong ilang bagay na itsi-tsismis ko kung bakit interesante para sa akin 'tong shit ni Ms. Batacan:

1. Mapapaisip at makukumbinsi kang posibleng hindi lang sa mayayamang bansa nagpaulan ang Diyos ng mga serial killer.
2. Napag-usapan na rin lang si Papa God, isisingit ko na na may dalawang maaksyong pari ang nakapaloob sa kwento na bihirang-bihira talagang mangyari. Take note: Swabe at papabol 'yung isa.
3. Imbes na mamuhi sa mamamatay tao't mantatalop ng mukha, may parte ng kalooban mo na makikisimpatya sa dentista.
4. Mabibigo ka sa pagpapanggap na manunulat at nababasa mo na ang susunod na mga pangyayari. Sa madaling sabi, pinaikot pa ng isa ni F. H. Batacan 'yung twist na inaasahan mo.
At panghuli: Ako kasi ang nagrekomenda sa inyo nito.

1 comment:

  1. pamilyar sakin 'tong librong 'to. eto 'yung palanca shit na suspense thriller na tungkol sa dalawang pareng serial killer depektibs, di ba? shet, pangarap ko ring makasulat ng sariling libro at manalo sa palanca. kelan kaya 'yun? *kamot ulo*

    at bilang ibinigay 'to sa'yo ng itinatangi mong babae minsan, bigla kong naalala 'yung nawalang librong para kay b (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out 5 sa atin) na niregalo ko kay dude nung nakaraang beerday niya. ninakaw sa ofis ampota. may special dedication pa naman 'yun sa pinaka-unang pahina. tsk tsk!

    ReplyDelete