Pages - Menu

Friday, March 29, 2013

Boy Crush

Wala akong magawa noong isang araw kaya nag-abala pa talaga akong i-download at panoorin ulit 'yung One More Chance ni Popoy at Basha - na sa tingin ko naman ay hindi kabawasan sa kamachohan kong matagal nang bawas dahil sa katabaan pero mukhang madaragdagan naman ulit kapag nakakita na ako ng trabaho. Ang totoo pa nga n'yan eh nakaabang na rin 'yung The Mistress na dinownload ko naman habang pinapanood 'yung One More Chance nga.

Tapos kagabi, pinanood ko naman 'yung A Very Special Love ni Pareng Lloydie pa rin at Ate Sarah naman sa Dos. At napatunayan kong hindi lang basta chismaks 'yung napulot ko kay Sam YG na dakilang tagapag-taguyod ng sangka-bumbayan dito sa Pinas, na si Pareng John Lloyd lang ang may kakayahang umiyak sa maka-lalakeng paraan pero may dating pa rin. Kaya hindi talaga nakakapagtaka na kahit maliit din ang etits nitong si John Lloyd eh marami pa ring nagpapatusok.

Nga pala, mamayang alas-nuebe ngayong Good Friday eh 'yung You Changed My Life naman ang papanoorin ko sa Kapamilya network pa rin. Tapos next week baka magsine akong mag-isa at makipila na rin sa It Takes a Man and a Woman. Kitakits na lang siguro sa SM Megamall, mothafuckas!

4 comments:

  1. goyo? as in goyo goyo?? anyare? san na yung dati mong lungga? sorry.. ako na ang napakahuli sa balita.. ako na ang walang alam, ako na ang ngayon na lang ulet tumumbling sa blogospheres. ang dami hehe

    anyway i love you dahil mukang love mo na si sarah at lloydi. yun lang. hello!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yehes, ako si Goyo. Ito pa rin 'yung dati kong lungga, medyo naging suplado lang ako nang kaunti kasi wala lang, nakakasawang makipag-plastikan. Hu u nga pala? Eneweiz, thanks.

      Delete
    2. di ka naman galit nyan? hehe wala isa lang ako sa mga masugid mong fans dati, ngayon na lang ulet napadpad dito at medyo nanibago lang :)

      Delete
    3. Joke lang 'yung "Hu u?" thing. Ilang beses na rin naman kasi akong napadpad sa hideout mo dati. Nakakapanibago nga, kahit ako naninibago eh. Hehe! Salamat nga pala, Ate Neneng Kilabot ng Rizal. :D

      Delete