Pages - Menu

Wednesday, April 3, 2013

Boso King

Mahina ang kapangyarihan ko sa mga raffle. Halimbawa na lang 'yung pagkabigo kong mapanalunan 'yung tricycle na ipinamigay sa simbahan noong nakaraang Noche Buena. Ramdam na ramdam ko na 'yung lakas ng kabang tagumpay pero hindi pa rin natawag ang pangalan ko. Ang totoo, three percent lang talaga 'yung kabang tagumpay doon at 'yung natitira ay kaba kung paano ko iuuwi 'yung tricycle kapag ako ang nanalo dahil hindi naman ako marunong magpatakbo ng motor. Bwiset 'di ba. Pakiramdam ko'y sobrang talunan ko noong gabing 'yun kahit isang ticket lang naman ang binili ko.

Ang ipinagtataka ko lang, bakit kapag para sa recitation ang bunutan eh parang tumataas ang t'yansa kong manalo? Kung tagumpay ngang maituturing 'yun kahit bokya ang matatanggap kong grado lalo't puyat na naman ako dahil nag-overnight na naman kami ng mga boardmate ko sa kung saang lupalop ng Maynila para mag-DotA. Epekto ba 'yun ng reverse psychology na tinatawag? Siguro nga.

At kung itong Giveaway! 5.0 Megapixel Mini HD Digital Camera na pakana ni Salbe ay dadaanin sa palakasan, tingin ko'y lalo akong mawawalan ng t'yansa dahil hindi naman kami dikit. Kaya okay na rin siguro na pa-raffle na lang kahit malas nga ako roon. Wala namang mawawala kaya susubukan ko pa rin ang swerte ko. At kung saka-sakali namang manalo, pramis, hindi ko palalampasin ang pagkakataon na may makuhanang dalawang taong nagbababuyan ang kamerang ito sa pangangalaga ko. Alam kong panget ang pasok ko para maisingit itong tungkol sa giveaway, kaya fuck you na lang sa lahat ng makakabasa nito. Basta, kailangan kong manalo.

Pasingit sa singit na maitim: Mukhang ako nga 'yung tipo ng tao na late bloomer at laging nahuhuli sa uso. Ang gusto ko lang namang sabihin, matagal na akong walang Tumblr at Twitter, patay na ang Formspring na hindi ko naman napakinabangan nang husto, at nami-miss ko na ang mga tanungan shit kaya eto gumawa ako ng ask.fm/theiskulbukol~

2 comments:

  1. Update: 1,183 ang sumali dito sa raffle. 10 ang entry ko para sa isang blog entry tungkol doon. Ibig sabihin, wala pang isang porsyento ang tyansa kong manalo. Tama! Olats tayo. Ako lang pala.

    ReplyDelete
  2. haha .. ok lang yan . may kramay ka. malas din ako sa raffle. prang yung tipong sampu kayo tapos nine ang mapipili ako yung nagiisang hindi mabubunot. lol

    ReplyDelete