Pages - Menu

Friday, April 12, 2013

Hoy! Hindi ka teenager, gago.

Ilang minuto lang ang lumipas pagkatapos kong gawin 'yung malamyang love letter nang mapasugod agad ako sa harap ng computer para magbukas ng Facebook. Tapos, bigla na lang akong kinapos ng hininga. Napangiting aso. At muntik mamatay. Tyempo naman kasi, 'tol. Kabubukas ko lang ng account ko nang tumambad agad sa mukha ko ang ganda n'ya suot ang maganda ring dress na 'yon. Wala pang tatlumpung segundo, itong blog ko naman agad ang naisip kong rondahan para naman isambulat dito lahat ng ito.

Bakit nga ba? Wala! Bigla ko lang kasing naramdaman na parang gusto ko nang punitin 'yung love letter na ginawa ko para sa kanya. Higit sa lahat, gusto kong kainin ng buong-buo 'yung isang linyang nagsasabing hindi s'ya maganda. Ugh.

Okay. 'Tang ina, pagkalipas ng kalahating taon, inlove na nga ulit ako!

4 comments:

  1. alam mo, brad, nahihiwagaan ako sa labistori mo. hindi ko kasi mapagtagpi-tagpi mga blog post mo. lol! asan na nga ba 'yung waswit mong laging comment nang comment dito?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa totoo lang, naguguluhan ako sa blog ko. Hindi kasi sunud-sunod ang mga kwento at ang daming kulang, kaya mahirap talagang pagtagpi-tagpiin.

      'Yun dyowa ko na 'yun, si bebegurl, naghiwalay kami noong isang taon pa, buwan ng Nobyembre. Hehe. Halos kalahating taon na akong puro bate.

      Delete
    2. anyare? eh parang kelan lang, naiispatan ko pa mga comment niya sa mga post mo ah. paborito ko 'yung don romantikong post tungkol senyong dalawa habang nag-cecelebrate ata kayo ng monthsary. 'yung may duyan at pinapapak pa ata kayo ng lamok. hehe.

      magbate na kasi kayo. sus!

      Delete
  2. Konting Tiyaga lang pre. maayos mo rin yan..

    ReplyDelete