Sa loob ng halos kalahating taon na pagtambay,
masasabi ko na itong sitwasyon na nasa larawan na ang pinakamabigat na
kinaharap ko. Sa sobrang hirap ng do or die situation na ito, inabot ako
ng higit limang minuto para magdesisyon kung saan
ilalagay ang watawat na pananda sa blokeng posibleng kinalalagyan ng
bomba. Isang segundo naman para pindutin 'yung bloke na sa tingin ko ay
ligtas.
Kung fan ka ng Candy Crush Saga, malamang sa malamang ay nabasa mo na 'yung isang artikulo na naglalaman ng mga bagay na p'wedeng matutunan sa paglalaro ng Facebook craze na 'yun. Hindi ko pa nababasa 'yung artikulo dahil hindi naman ako fan ng Candy Crush Saga, pero sa nangyaring sitwasyon sa paglalaro ko ng super old school na Minesweeper, sa maniwala ka at sa hindi ay may natutunan din ako.
1. Sa bawat desisyon na gagawin mo, pinaka-importane sa lahat ang pag-aaral ng mabuti sa sitwasyon.
2. Huwag magpadalus-dalos sa kilos at isipin na wala nang balikan ang lahat.
3. Huwag magdadalawang isip oras na buo na ang desisyon tungkol sa napili mo dahil lalo ka lamang maguguluhan.
4. Matutong tanggapin ng maluwag sa kalooban ano man ang kalalabasan ng aksyon na napili.
5. Umusad. Dahil walang masama kung muli kang susubok.
PS: Ito ay orihinal na shit mula sa Facebook ko at naisipan ko lang na ilagay dito dahil pakiramdam ko ay makakatulong ako sa inyo ng malaki kapag ginawa ko 'yun. Rakenrowl!

o eh alin sa dalawa 'yung may bomba? 'yung totoo, mas gusto ko pa 'to kesa dun sa kinababaliwan nilang mga kendi na hindi mo naman madidilaan sa totoong buhay. sus!
ReplyDelete'Yung nasa ibabang bloke ang may bomba, brad. Hehe!
DeleteI LOVE MINESWEEPER. HAHA! ASTIG. HASHTAG: TOINK
ReplyDeleteKahit kailan di ko natutunan ang larong 'to. Bakit kaya!?!
ReplyDeleteBaka naman kasi hindi ka lang talaga interesadong matutunan. O p'wede ring pang-matalino lang talaga 'tong Minesweeper kaya ganun? Hehe.
Delete