Pages - Menu

Wednesday, April 10, 2013

Si Piccolo At Ang Pagbabasa Ng Libro

Isa na siguro ang pagbabasa ng libro sa pinaka-kapaki-pakinabang na libangan bukod sa pagkakamot ng betlog bago matulog. P'wedeng gawin kahit saan, basta kumportable ka at may sapat na liwanag. P'wera lang siguro habang nag-su-swimming.

Bukod sa kaalaman na p'wedeng mapulot sa pagbabasa ng libro na maaaring ikalusog ng payat na kokote, magandang pang-halili rin ito sa pag-inom ng alak para panandaliang makatakas sa reyalidad. Totoong maganda nga itong pantakas sa reyalidad dahil hindi mo talaga mamamalayan ang mabilis na paglipas ng oras, pero pang-halili sa pagtoma? Nagbibiro lang ako sa parteng 'yun.

Marami pang mabuting bagay ang maaaring maidulot ng pagbabasa, na hindi ko na iisa-isahin pa dahil pare-pareho naman nating alam 'yun. Isa pa'y ayokong magbida, dahil hindi naman talaga ako pang-bida. Pero alam n'yo ba kung ano 'yung isang bagay na nakakalungkot sa pagbabasa ng libro? Teka, bu-buwelo lang ako.

May gusto kang babae. Sabihin na natin na medyo magkalayo kayo ng edad, estado sa buhay, panget ka, maganda s'ya, flawless ka, may bigote naman s'ya, at kung anu-ano pang pagkakaiba. Habang nagkaka-kilanlan kayo, biglang sumingit sa usapan n'yo ang tungkol sa pagbabasa ng libro, partikular ang mga nobela. 'Yung isang bagay na 'yun, 'yung isang simpleng bagay na 'yun, doon n'yo nahanap ang kiliti ng isa't isa. Swabe 'di ba? Nagsimula na kayong magtanungan ng mga paboritong libro at manunulat, magpalitan ng opinyon kung bakit tagalog 'yung ending ng isang libro ni Paulo Coelho, magbigay ng suhestiyon kung anong magandang basahin, hanggang sa mapunta na rin sa pagpapalitan mismo ng libro. Tama, nagsimula na kayo ngayong maghiraman ng mga libro. Kalakip din nu'n ang pagkikita ng personal at lalong pagkakalapit ng mga loob n'yo. At dito na papasok 'yung nakakalungkot na bagay sa pagbabasa ng libro.

Sabi nga ni Piccolo, walang perpektong relasyon. Hindi ko lang sigurado kung uso ang lovelife sa mga namek, wala lang akong maisip na idadamay kaya si Piccolo na lang. Lahat maaaring magwakas sa hindi mo inaasahang pagkakataon. Wrong timing. Parang 'yung timing lang din na kung kailan kayo nag-away at nagpasyang hindi na magkikita, eh may mga libro pa pala kayo sa isa't isa. Ang saya 'di ba? Sa libro nagsimula, sa libro rin nagtapos. True story, bro.

At 'yung mas matindi? Lahat ng librong s'ya ang nagpakilala sa'yo at nangyaring naging paborito mo, siguradong kadikit na ang pangalan n'ya. Korner ka, boy. Walang takas-takas. Bahala ka na ngayon sa buhay mo.

10 comments:

  1. hoy! may libro pa ba ako sayo!? kulang-kulang nga ung nasakin eh, ung mga orihinal na set. haha pakisauli na lang ha HAHA

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hoy ka rin! Sino ka?! Wala kang libro sa'kin. 'Tsura neto! Hahaha!

      Delete
  2. maling-mali ang paghahagis mo ng expression,hindi ko naabsorb. haha lols nakapaloob kasi ung time natin sa medieval era! yun na! LOL hehe curious lang bka nga my book pa ko sayo. akalain mo un my kasaysayan na pala tayong pwdeng isa-libro. *Period*

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ugh. May ideya ako kung sino ka, pero kasi, baka mali ako. Pero mukhang alam ko na nga. Dating friendship? Hehe. Basta ang alam ko, wala kang libro sa'kin. Nagsasauli naman kasi ako ng libro. Minsan nga lang natatagalan.

      Delete
  3. Hmmnnnn... this is my perstaym na tumambay at isa lang ang masasabi ko, babalik akong muli!

    I love this blog ah! yeah!

    ReplyDelete
  4. malay mo bka tama ka, eh di plus 10pts ka pa sana.

    ReplyDelete
  5. True story nga. Nuks, tambay ulit ako sa blog mo! Parang ang dami kong kailangang balikang kwento. Haha

    ReplyDelete