Pages - Menu

Saturday, May 11, 2013

Omega-3

Kung sakali man na mahalal akong dakilang panggulo ng Pilipinas sa darating na halalan sa taong 2052, at hilingin ng mga taong pinagsisilbihan ko na isapelikula ang lahat ng adventure ko mula pagkabata hanggang sa mapaunlad ko ang Pinas, isang eksena lang ang napipisil ko na dapat maging highlight ng sarili kong kuwento.

* * * * *

Kulang ilang minuto bago sumapit ang ala-sais ng gabi, araw ng Huwebes, ika-9 ng Mayo, taong 2013.

Mainit at mabanas ang palagid. Walang hangin sa buong bayan ng Jalajala. Lahat ng tambay sa labas sa buong sulok ng kabayanan ay siguradong pawis at nanlalagkit. Tamad kumilos ang lahat. Maaga ring humapo ang mga ibon at manok. Unti-unti nang kinakain ng dilim ang buong palagid dahilan para maghalo ang kulay abo, bughaw at kahel sa kalangitan.

Sarado ang kahoy na pintuan. Tahimik - maliban sa ingay na nagmumula sa bentilador. May mangilan-ngilang lamok ang nagsimula nang rumonda. Tanging ilaw lang ng cellphone na nakatutok sa mukha ng binata ang nagbibigay ng kakaunting liwanag sa buong kwarto. Perpektong tagpo para magdrama.

Hindi kumikilos ang binata. Nakalapat ang ibabang bahagi ng katawan nito sa magulong kama, habang nakasandal naman ang likod sa ulunan. Walang saplot pang-itaas, samantalang balot naman sa kumot ang kahabaan ng hita at binti. Malalim ang iniisip. Malayo na rin ang lugar na nalakbay ng diwa. Bumuhos nang mabilis at walang preno ang damdamin. Walang saya. Puro lungkot lang dala ng pag-iisa. Tuluyang gumulong ang luha sa magkabilang mata.

May kakaunting paggalaw ng balikat dala ng tahimik na paghikbi. Ilang minuto ring paulit-ulit lang ang nangyayari. Mabubuhay ang ilaw sa hawak na telepono. Gagalaw ang daliri. Ibababang muli ang kamay. Ipupunas ang kabilang braso sa mukha. Pagkatapos ay muling mawawala ang liwanag.

Umayos sa pagkakasandal ang binata. Mabilis na tinuyo ang mata at ipinunas ang kumot sa kaunting sipon na umaagos sa ilong. Parang biglang naglaho ang lungkot na kanina'y dumudurog sa loob n'ya. Ah, kaya naman pala. Naalala n'ya bigla na may kinakain pala s'yang Sky Flakes. 'Yung may Omega-3, ha!

6 comments:

  1. koment para dun sa latest post mo: "medyo thief"

    ReplyDelete
  2. Alam mo na yon sa sarili mo

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sobra na kasi siguro ang impluwensya sa'kin ni Stifler The Stif-fucking-meister at Finch The Mother Fucker. Kailangan ko pa bang mag-sorry? Sorry po.

      Pero alam mo, mas naging masaya pa siguro ako sa puna mo kung hindi ka anonymous.

      Delete
  3. walang iyakan haha
    -Ang Iyong Konsensya

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mukhang nag-eenjoy ka ah. Ako rin. Haha!

      Delete