Pages - Menu

Thursday, July 22, 2010

Ako ay may kwento sa bus

Dahil halos dalawang linggo akong hindi umuwi noong nakaraan, masyado 'kong namiss ang mga luto ni Nanay (sipsip mode). Nakakasawa naman kasi talaga ang mamantikang mga pagkain dito sa syudad. Nito ngang nakaraang sabado sa wakas ay umuwi na ako. Medyo maulan noon at hindi ko alam kung bakit na-tripan kong sumakay sa bus imbes na mag-LRT na lang at mag-FX kahit alam kong gagabihin ako sa byahe dahil trapik sa ruta ng bus.

Masarap mag-bus lalo na kapag hindi ka nagmamadali, relax, 'di masyadong mainit lalo na kapag tyempo na malamig ang hangin na ibubuga ng aircon. Nagtataka lang ako kung bakit parang hindi ata ako nakaisip ng kahit anong istorya sa loob ng bus noong araw na 'yun. Madalas kasi kapag nagbabyahe ay nakakabuo ako ng maikling kwento tulad kapag nagbabyahe ako sakay ng jeepney. Sa katunayan nga, ang "Drama sa Jeepney" ay halos mga karanasan ko lang noong minsan na pauwi rin ako sa amin dito sa Rizal, nilagyan lang ng konting twist. Tsaka ko lang napansin na kaya naman pala walang malilikot na bagay na naglaro sa isip ko ay libang na libang ako sa panonood galing sa piratang dvd na Karate Kid. Ok na sana ang panonood ng biglang umeksena ang dalawang batang makukulit.

Goyo: (Masama ang tingin sa dalawang bata dahil hindi makita ang palabas). 


Mga mama sa likuran: psssssttt...huy! 

Dalawang bata: (Sabay na umupo.) 

Batang medyo maliit: Luluhod na lang ako, 'di ko makita ang karate mama. 

Goyo: *Sige subukan mong humarang ulit sa pinapanood ko gago ka makakatikim kayong dalawang bata kayo ng kinarateng kid!*

Narinig ata ng dalawang mokong ang sigaw ng isip ko at naisipang wag na ulit subukan ang pagharang sa pinapanood ko. Presto! Libreng sine sa loob ng bus! Nakapagbyahe ka na, nakapanood ka pa ng pelikula.

Oo, masarap manood ng libreng pelikula sa bus. Oo, mura ang mga piniratang pelikula sa bangketa. Kaya lang, napaisip din ako bigla na paano na kaya kapag tinamad na magprodus ang mga producer ng mga de kalibreng pelikula dahil nalulugi lang sila sa pamimirata ng mga mapagsamantala? E di wala na tayong papanoorin at wala na rin silang pipiratahin. Oo nga't mahal ang tiket sa sine, pero sa sinehan sulit ang panonood mo. Mahirap din naman sisihin ang mga tao sa pagbili ng pirata, ika nga natin ay "sa praktikal na tayo, pareho rin naman ng istorya 'yun". Pero pero pero pa'no na nga kaya kapag wala ng bagong pelikula? Kasi lahat ng tao nag-aabang na lang sa bangketa ng mga pirata? Paano na? Bahala kayo!

Teka, hindi pa tapos ang kwento ko. Bago ako tuluyang bumaba sa bus, umakyat si manong at lumapit sa mga pasahero at naghahanap ng tiket. Si nanay ng mga kinarateng kid ay maarte pala, mukha raw ba s'yang hindi nagbabayad at hinahanap pa ang tiket n'ya. Nagkaroon ng konting sagutan sa pagitan ni manong at ni ale. Si ale kasi ayaw pang umamin na tinatamad lang s'yang kunin ang tiket sa bag n'ya at ayaw n'yang maabala. Hindi n'ya ata naiintindihan na sa ganoong trabaho sinuswelduhan si manong.

Balik tayo sa palabas, dahil sa bus ko lang pinapanood ang 'Kinarateng Kid' ay maraming eksena ang nakalampas sa paningin ko at maraming salitaan ang nakalampas sa tenga ko. Tulad noong eksenang parang nagwawala si Jackie Chan, hindi ko naintindihan kung bakit at anong dahilan. Marami na rin kasing nakaharang na pasahero at medyo malayo ang pwesto ko kaya di ko marinig ang mga linya n'ya. Kung sa sinehan lang sana, e di sana sulit.

Andito na ako sa babaan, magsisimula na ang tournament sa Kinarateng Kid. Pota nabitin lang ako sa palabas!

25 comments:

  1. masarap manoood ng free movie sa bus lalo na pag magandang copy ang ipinapakita. mas masaya to kapag hindi mtao kasi walang harang sa view. at lalong masaya kung mapapatapos mo ito bago bumaba. :D

    ReplyDelete
  2. bumili ka na lang kasi ng pirated. lol

    ReplyDelete
  3. Hehehe :D Napirata ka pre! lolzz

    Di naman sana mamimirata ang iba kung kaya naman nilang tustusan ang napakataas na bayarin sa mga sinehan na yan! babaan nila ang singil, tiyak ang malulugi ay yung namimirata ng pelikula.

    Sa hirap ng buhay ngayon pre, saan ka pa ba kakapit?

    ReplyDelete
  4. Gusto ko din manood ng mga pelikula sa bus. Sa bus ko napanood ang The Matrix at New Moon. Tapusin mo yung movie maganda!

    ReplyDelete
  5. haha! ako araw-araw nasakay sa bus. Kanina ang palabas eh Ninja Assasin.. di ko pa din napanood un pero mas gusto ko pa matulog. di ako fan ng pirated pero di ko din naman masabi na di ako bumibili.. madalas ko bilin sa pirated eh anime kasi never mo ng mapapanood un sa sinehan.. pero pag new movie, dun ako sa big screen.. xempre mas sulit pag may katabi ka.. :)

    ReplyDelete
  6. I think yung sinasabi mo dun sa part na nagwawala si jackie e yun yung anniversary ng pagkamatay ng mag-ina nya(spoiler? hehe)

    natuwa ako dun sa dalawang kid.. at naimagine ko ang "KInarateng KID" naalala ko tuloy kung gano kakulit ang mga batang arabo dito.. sarap gawin ang kinarateng kid! LOL

    ReplyDelete
  7. harsh naman, makakatikim talaga.. hehehehe

    anu bang lasa nyan?

    ReplyDelete
  8. hahaha ayan din ang gusto ko sa bus eh..yung libreng pelikula..^_^

    ReplyDelete
  9. hahaha last week sumakay ako ng JAC liner Karate Kid din ang palabas parang ayaw ko ng bumaba kasi ang ganda ng eksena kaso babaan n tlga otherwise lalagpas n ako hehehe...

    ReplyDelete
  10. Woaaah, natutulog ako sa bus! Sa dinami-daming lugar napuntahan ko, halos lahat cguro, pagdating ko sa terminal ay nahihilo ao, kaya ang solution i prefer to sleep kung nasa trip! haha! Pero sa Karate Kid, I am looking forward to watch that movie, always unavailable kasi ang DVD d2 sa isang tindahan na nagpapahiram na may bayad! Thats why!

    ReplyDelete
  11. nahihilo ako sa bus pag nanonood ako ng movie.^_^


    kapag wala ng gumawa ng pelikula ako na ang gagawa. may manonood na nun panigurado sakin noh? lol

    ReplyDelete
  12. Inaanyayahan kita upang suportahan at makilahok bilang Nominee ng PEBA 2010. Inspire a Family, Inspire a Community, Inspire the World.

    ReplyDelete
  13. pirated lang ang sagot jan. hahaha!

    ReplyDelete
  14. may trend ng mga ipinapalabas na pirated dvds sa bus. napansin mo ba yun? madalas din akong manood ng pelikula. minsan sa sobrang wili ko ay lumampas na ako sa bababaan ko!

    ReplyDelete
  15. ay wow, pareho tayo.

    last week lng nung mkapanuod akong karatekid sa bus. may magulo nga sa unahan ko eh, kwento ng kwento tungkol dun sa m0vie. parang gust0 k0 sabihan na '0h cge, patayin na natin ang tv, ikwento m0 buong detalye' di ko dn natap0s yung movie, 50mins lang yung byahe ko sa bus eh. hihi

    ReplyDelete
  16. hello. first time ko dito sa blog mo. wawa naman yung mga bata... siguro kong nakakapag-karate lang ang sama ng tingin, bug-bog sarado a sila. haha. ganyan din ako, mahilig magsulat ng kwento kung saan-saan kaya ako napgkakamalang studious eh. wahaha.

    ReplyDelete
  17. Naku hindi ko pa napapanood yang Karate Kid kahit sa pirated dvd haha.

    Hayaan mo na yung mga bata. Bata eh kaya natural na sa kanila ang pagiging makulit?

    Taga san ka nga pala sa Rizal? (Rizal province ba?)

    ReplyDelete
  18. @fiel kun, oo pare taga-rizal ako. Sa Jalajala, Rizal. :)

    ReplyDelete
  19. ahahhaa! see at yan ang disadvantage ng panunuod sa bus.mabibitin klang! ahaha. gbre nman kayo walang patience sa bata! ahahah..

    nga pla update mo aq sa blogroll mo pls :)

    ReplyDelete
  20. napanood ko na sa sine.manood ka nlang sa sine mas ok..mas maapreciate mo lalo pa pag walang maingay..dumalaw dito.

    ReplyDelete
  21. may gulay! namimiss ko yung bus... maniwala kayo sa hindi

    ReplyDelete
  22. mahusay karin magsulat bossing

    napadaan lang nice blog

    ReplyDelete
  23. Kakapanood ko lamang ng "Karate Kid" noong isang linggo. dinawnload lang.

    Mahirap sagutin ang pamimirata. Lahat dapat ay maging responsable, mamimili, producer,negosyante.

    ReplyDelete
  24. pag ako nasa bus lagi nalang tagalog action movies eh. yung usual na di tinatablan ang bida tapos late darating ang mga pulis.

    hahaha. ECE rin pala ako. :)

    ReplyDelete