Sunday, June 9, 2013

Practical Tips For College Freshies

Sa pakikipagtulungan ng mga kilalang iskul bukol sa kasaysayan ng mundo, ng mamang nakabalandra ang mukha sa bente pesos, na kilala ring "Ama ng Wikang Filipino," kasama rin ang iba pang mga tropa nito tulad nila Sir Isaac Newton, Maestro Leonardo da Vinci at Panginoong John Lloyd Cruz, ay malugod pong inihahandog ng lubog kong utong sa kaliwang dibdib ang walang kwentang blog post na ito para sa mga college freshies. Ang maka-ubos oras, kamot-ulo at hindi pinag-isipang sulatin na ito ay naglalaman ng limang(?) mabisang paraan kung paano makaka-survive sa masalimuot na buhay sa kolehiyo.

1. Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na hindi lahat ng mga magulang ay kaya tayong iupa o ibili ng sariling condo unit habang nag-aaral. Kaya ang ending, maghahanap na lang sila ng "Room 4 Rent" na medyo kaya ng bulsa. Pero kapag gipit na gipit talaga at mas priority ang pang-tuition kesa komportableng matutuluyan, ang bagsak ng mga istudyante ay makikipagsiksikan na lang sa isang kwarto na may tatlo o higit pang makakasamang kapwa istudyante rin, at s'yempre may extrang 'sang katutak na flying ipis at limang malalaking daga.

Narito ngayon ang problema: Kapag may ibang kasama sa bahay o kwarto na inuupahan, hindi maiisawan ang hindi pagkakaunawaan. Laging merong isang tao na hindi mo magugustuhan at laging tatlo naman ang aayaw sa magaspang na pagmumukha at ugali mo. Alam natin na p'wedeng pag-usapan ang mga ito para maayos. Pero paano kung hindi na talaga makukuha sa mabuting usapan ang alitan ng magkakasama sa bahay? Ganito: Hindi solusyon ang pananakit sa kapwa, mapa-pisikal man o sa salita, lalong lalo na ang pagsaksak dito habang natutulog o ang paglalagay ng Racumin sa paborito nitong siomai rice. Ang mas mabuting gawin ay kuhanin na lang ang sipilyo ng taong kinaiinisan mo, ilublob sa inidoro, muling ibalik sa lagayan at tsaka s'ya yayaing kumain sa McDo o KFC. S'yempre dapat libre mo lahat hanggang tatlong extra rice at yosi. Sigurado garantisadong pagkatapos ng hapunan, magkasundong-magkasundo na kayo. Tapos ang problema. Aminin mo na lang siguro ang krimen na ginawa mo kapag lumipat na s'ya ng matitir'han.

Pahabol pa nga pala: Siguraduhin na alam ang schedule ng mga room mate; kung kailan sila may pasok at tuwing anong oras sila madalas tumambay sa kuwarto. Malalaman mo rin ang dahilan pagdating ng tamang panahon. Mga bandang tag-ulan, taghirap at walang pang-motel.

2. Sabi nila, sa bawat bagong school daw na papasukan mo ay p'wede kang maging kahit sino na gustuhin mo. P'wede kang maging batukan kong trip mo. Pero sa kasamaang palad ay hindi sakop nito ang pagiging matalino. At minsan hindi rin sapat ang basta pag-aaral lang para tumalino lalo't mahina talaga ang ulo.

Sa mga ganitong sitwasyon, wala kang pagpipilian kung hindi bumuntot para kumopya ng assignment sa mga kaklase mong tunay na matatalino. Magpakabait sa loob ng classroom. I-perfect ang attendance plus walang late. At higit sa lahat huwag maging sipsip sa professor. Isipin mong mabuti, nagustuhan ka nga ng professor mo dahil sa lagi mong pagdadala ng pizza galing Yellow Cab tuwing break time, buong section n'yo naman ang buwisit sa'yo. Kung matigas ang mukha mo at ayos lang sa'yo na walang kasundo sa mga kaklase mo, sige lang. Pero kung hindi naman kaya ng apog mo, ganito ang tamang diskarte: Ipakita mo lang na lagi kang nakatutok sa discussion, handa kang matuto, hindi nandaraya at laging fresh kahit walang powder. Sinasabi ko sa inyo, sapat na 'yun para mapasama ka sa mga pasang awa.

3. Ang mga araw ng Huwebes, Biyernes at Sabado ang pinakamahahalagang araw para sa isang istudyanteng nag-aaral at nagbubulakbol ng mabuti. Pagdating kasi sa mga araw na ito ay tsaka lang nakikilala ng mga istudyante ang salitang "pagtitipid." Kilala rin ang mga araw na ito bilang Tag-gutom Day, De Lata Day, Lugaw Day o Sardinas Day. Kung ngumangatngat ng gintong kutsra ang mga magulang mo, hindi problema ito dahil isang text lang ay loaded na ulit ang ATM card mo. Kaunting kapal lang ng mukha sa pagsisinungaling ang puhunan, solb na. May sobra pa.

Pero paano kung saktuhan lang ang pera nila mommy at daddy, paano nga ba malulusutan ng mga istudyante ang kalbaryong ito? May tatlong madaling paraan para  d'yan. Basahin at isa-pusong mabuti: a) Huwag kumain ng masasarap sa simula ng linggo. Huwag makipagsabayan sa mapeperang classmate na walang ibang alam na kainin kung hindi puro fast food. Gulay ang orderin sa karinderya. Mag-ulam muna ng sabaw sa dalawang order ng kanin. Sa madaling sabi, laging hirap muna bago sarap. Simulan ang pagtitipid sa mga araw ng Lunes, Martes at Myerkules tsaka ibuhos ang puwersa pag-gastos sa mga natitirang araw. b) Bawasan ang laman ng bag gamit sa pagluwas. Imbes na damit ang ilagay, 'yung groceries n'yo sa bahay ang isiksik mo. c) Rumaket ka, marami d'yan. Konting lakas lang ng loob.

4. Ipakita sa mga magulang na nag-aaral kang mabuti. Palagi silang i-update tungkol sa mga school activities kahit hindi ka naman sumasali. Ikuwento mo rin kung gaano ka-terror 'yung isa mong prof. para magkaroon na sila ng ideya. P'wede ring ikuwento kung gaano naman kagaling magturo 'yung pinakapaborito mong professor, kahit P.E lang naman ang subject mo sa kanya. Ibida mo rin sa kanila na ikaw lagi ang nangunguna sa klase n'yo, kahit na sa attendance lang 'yun dahil sa letrang A nagsisimula ang apelyido mo. Kapag araw naman ng pag-uwi sa bahay galing sa boarding house, huwag kakalimutang mag-uwi ng isang libro, isang notebook at ballpen. Paminsan-minsan gulatin mo rin ang mga kasamahan mo sa bahay ng tanong kung nakita ba nila 'yung libro mo sa Algebra, o kaya naman 'yung calculator mo, kahit ang totoo sitting pretty lang naman 'yung mga iyon sa loob ng bag mo.

Sa ganitong paraan kasi, bukod sa gagaling ka sa pagsisinungaling, ay madaling matatanggap ng mga magulang mo kung sakaling isang subject lang ang ipasa mo. Iisipin nila na ginawa mo naman ang lahat at nagkataon lang na mahirap talaga ang kurso na napili mo. Tapos minalas ka pa dahil puro terror ang naging professor mo. Tiwala lang. Magiging artista ka rin next semester.

5.0 Mag-aral ng mabuti at magbasa ng maraming libro sa abot ng makakaya. Bukod sa ito ang pangunahing susi sa pag-abot ng mga pangarap, may kakaiba ring dulot na ligaya kapag alam mo sa sarili mo na kahit papaano'y hindi ka p'wedeng basta tawagin na bano, bugok, abnoy at bopols.
5.1 Huwag umiwas sa pag-ibig. Mahalin ang taong gusto mong mahalin. Ibigay ang one-third ng sarili oras na maging handa ka na. Gumamit ng condom. At higit sa lahat ay huwag matakot masaktan. Dahil kayong mga kabataan ang dahilan kung bakit patok lagi sa takilya ang mga pelikulang may temang romantiko at yugyugan.
5.2 Uminom ng alak kung kailangan. Pinakadabest tuwing weekend para walang pasok kinabukasan. Kailangang-kailangan pa rin kasi ng bansa natin ang buwis galing sa San Miguel. Sa bawat alak, nakakatulong ka sa bayan.
5.3 Sabihin ang lahat ng gustong sabihin sa kahit sinong taong nakapaligid sa'yo. Maging totoo sa sarili. Maging totoo sa nararamdaman. Laging mag-sipilyo.
5.4 Huwag matakot maging cool o baduy paminsan-minsan. Magsuot ng panty na gawa sa maong bilang pamasok sa eskwela. 'Yung may glitters dapat.
5.5 Wala kaming pake kung anong relihiyon, sekta o kulto ka pa. Wala ring kaso kung mga puno, bato at araw ang sinasamba mo. O kung malamig na Red Horse with yosi habang pinagmamasdan ang kabilugan ng buwan ang ideya ng pagdarasal sa 'yo. Basta magdasal ka lang. 'Yun ang mahalaga. Magkaka-diploma rin kayo.

Saturday, June 1, 2013

Eat My Ass

Madalas akong tubuan ng pigsa sa puwet noong bata pa ako. Lalo kapag panahon ng tag-ulan. Hindi ko rin alam kung bakit. At dahil doon, sabihin na lang natin na kaunti lang ang iginanda ng puwet ko sa bulok na langka pero 'di hamak naman na mas kapansin-pansin pa rin sa pagmumukha mong 'tang ina ka. Kung nagtataka ka naman kung bakit ganito ang bumungad sa'yo, sagot ko 'yan kung sakaling itatanong mo kung anong hitsura ng puwet ko para kainin mo.

Matagal ko nang ipinangako sa sarili ko na iiwasan ko na ang pagpuna sa lahat ng katarantaduhan sa paligid ko at mas pagtutuunan ko na lang ng pansin ang sarili ko tulad ng dati ko nang ginagawa. Pero dahil matagal ko nang gustong ipaalam sa lahat ng makikitid na kinauukulan ang walang kwentang reklamo kong ito, eh di ituloy na. Minsan lang naman. Isa pa'y wala naman akong ginagawa. Para na rin siguro maibsan ang kati ko sa pagmumura. Nga pala, 'yung bigat ng pangakong sinasabi ko ay tulad din ng pangangako ko sa yabang ko na magiging mas prangka na ako lalo kapag harapan ang batuhan ng tinapay. Kung hindi ka naman naniniwala, subukan mo na lang siguro minsan kapag nagkita tayo, 'tol.

Mabalik tayo sa gusto kong ireklamo. Naikwento ko na ba sa inyo na bukod sa mga panget na mahilig magpapogi at magpaganda pero wala naman sa lugar eh may isa pang klase ng tao ang talaga namang buwiset na buwiset ako. Ito 'yung mga klase ng tae na pakiramdam nila'y pag-aari nila ang mundo, sila lang dapat ang gumawa ng ganito at ganyan, at madalas ipagduldulan sa sanlibutan na sila ang mga naunang kumain ng imported na ebak bago pa nauso 'yun sa masa. Hindi ko alam kung paano sila ikakategorya, pero madalas silang mag-aksaya ng oras kakaisip na sila ang sentro ng kalawakan kahit na madalas eh puro kapulpulan lang naman ang alam gawin ng mga putang inang 'to. Nakaligtas ako sa pagtalbog ng mga sinabi ko dahil magaling akong umilag at hindi naman ako ganoong kapulpol, gago. Pahinga muna, magtanungan na tayo at magbigayan ng ginintuang mga payo.

'Tol, ilan sa mga kaibigan mo ang mahilig magpatama sa mga ewan-ko-kung-kaibigan-n'yo-ba-talaga na kesyo ginagaya raw ang porma n'ya, gupit ng bulbol, kapal ng nguso sa picture at kung anu-ano pa? Lima ba? Sampu? Ganito. Minsan sulatan mo sila. At sabihin mo sa kanila na magpasadya na sila ng nguso para kapag nagpicture sila ay walang makakagaya. Tapos umarkila na rin ng sariling sastre para syurbol na walang kapareho ang mga damit nilang isusuot. 'Yung tungkol naman sa buhok, magbayad kamo s'ya ng pintor at magpatimpla ng kakaibang kulay na wala pa sa krayolang waluhan, at ipa-patent na rin 'yung puking inang gupit ng bulbol n'ya para walang problema. Mga pekpek na 'to, ganun ba talaga karami ang mga oras nila para mapuna pang sa parehong kabaret sila mga nagpuputa.

Eh 'tol, kamusta naman 'yung mga kupal mong friends na akala mo ninakawan ng diyamante kung ipagsigawan sa loob ng drum na matagal na silang may app na ganon bago pa naging cool? Kumidnap ka ng dalawa. Pangaralan mo at idakdak sa mga mukha nila na mas magiging mabuti kung magpapalit na sila ng mga karera at propesyon. Maging app developer at designer na lang. Tapos i-download nila 'yung sarili nilang app at huwag na huwag nilang ipapaalam sa mga tao. Akala naman nitong mga bugok na 'to natutuwa 'yung mga developer kapag nilalangaw 'yung mga obra nila.

Pacers or Heat? Mas malaki pa sa nguso ni LeBron at katawan ni Hibbert ang problema at saltik sa ulo nitong mga unggoy na "basketball aficionado" na 'to eh. Eh ano naman kung maki-LeBron 'yung mga banban n'yong Facebook friends, 'di ba? Eh ano naman kung ngayong papalapit na ang Finals tsaka lang sila nagsulputan? Eh ano naman kung Oklahoma sila dati tapos ngayon Pacers na? At eh ano naman kung mas magaling pa sila sa referee? Ha?! Hoy, sagot! Putsa, pati ba naman panonood ng basketball at pagkampi sa lahat ng team na makakalaban ng koponan ni LeBron eh ipinagdadamot n'yo? May t.v rin kami, boy.

Ang ikinagulat ko pa, pati pamumundok, pagbibisekleta, pamamasyal at pagtakbo, aba gusto ring solohin ng mga gago. Ano namang pake mo kung akyatin ko rin 'yung mga bundok na naakyat mo na? Kung bumili rin ako ng bike? Kung puntahan ko rin 'yung mga lugar na ginalugad mo na? At kung magtatakbo rin ako kahit leather shoes pa ang gamit ko? 'Tang ina ka, ipauso mo 'yung paghimod sa puwet habang may nakatusok na poste ng Meralco. Ngayon, kapag may gumaya pa rin sa'yo, ipa-baranggay mo na. Wala nang sabi-sabi pa, hindot ka.

Nga pala, huwag na nating idamay ang mga kapatid nating matagal nang nanahimik at tumigil na sa paghuhuramentado dahil sa biglaang pagdami ng mga kakumpetinsiya nila sa propesyunal na pagkuha ng mga larawan. Masaya na sila. At mas malalaki na rin ngayon ang mga watermark na gamit nila. Pukpok ko sa ulo n'yo 'tong DSLR ko eh. Narinig ko lang 'yan sa isang mayaman na kaibigan. Wala akong pambili ng kamera.

Tungkol naman sa pagsusulat: Kung kumpiyansang-kumpiyansa kang hinayupak ka na walang bahid ng kahit kaninong ebak 'yang mga dakdak mo, aba'y huwag nang magpatumpik-tumpik pa. Gumawa ka na ng libro. Tapos isampal mo sa pagmumukha ni Dan Brown at sa lahat ng ingleserong kano sa buong mundo. Ipagyabang mo na sobrang orihinal ng mga gawa mo. Tapos pumunta ka sa bahay namin, ibubulong ko sa'yo 'to: Masaya na ho ako sa pagiging Goyo ko dahil kahit papaano'y kumpiyansa naman akong may kepyas pa rin na hihigop sa maliit na uten ko kahit hindi ko nahiligang magdinaldal sa internet. At kahit pagkakakitaan ko ho 'yang mga likha n'yo, hindi ho ako mag-aaksaya ng panahon na nakawin ang istilo, lalo 'yang mga ideya mo na hindi ko nga sigurado kung nakita ko na dahil wala ka namang ibang alam gawin kung hindi ang magtago sa makapal na bulbol ng ermat mo. Ayos? Mabuti na ho 'yung malinaw.

PS: Walang taeng kumalat at nagmantsa na ang muling pupulutin pa.

Friday, May 31, 2013

Lovers' Quarrel

Hindi ba napapagod 'tong bentilador? Ako nga na pahiga-higa lang, ramdam ko na pagod na pagod na ako. Bigla ko na lang naitanong sa sarili ko. Sa pagkakaalala ko, wala pa ako sa katinuan noong itanong ko 'yun sa pupungas-pungas na mama habang nakayakap sa isang malaking unan. Kagagaling ko lang sa isang maikli pero mahimbing na tulog. Ginising na naman ako ng kung sinong multo kahit pasado alas-dose pa lang.

Nananakit ang mga kalamnan ko sa magkabilang braso, ganun din ang mga laman sa gilid ng dibdib ko hanggang sa hugpungan ng balikat. Ang mga laman naman sa binti ko'y magaan ang pakiramdam. Siguro nga'y medyo nasasanay na ako sa mahabang takbuhan. Pero sa pag-iisa tulad ng nararanasan ko ngayon, sanay na rin naman na ako, oo. Pero kahit kailan hindi ko masabing magaan sa pakiramdam.

Ilang minuto na rin akong gising at tulala -- blangko. Wala akong ibang iniisip. O baka naman iniisip ko lang na wala akong iniisip. Ipinasok ko ang kaliwang kamay ko sa loob ng salwal ko, diretso kamot. Bigla kasing nangati ang singit ko. Habang abala ang kaliwang kamay sa pangangamote, kinakapa naman ng kanan ko ang ilalim ng unan para hanapin ang pipitsuging telepono ko. Humugong ang pamilyar na tunog. Hindi ba nag-iisip 'tong pridyeder? Tulog na lahat sa loob ng bahay ah. 'Yung pridyeder namin, hindi ata makatulog.

May kung anong maliit na bagay ang bigla kong naramdaman sa loob ng bibig ko. Kinapa ko ng dila ang kabuuan ng bunganga ko. Hinala ko'y tinga na nagsawa na sa pagkapit sa mahahaba kong ngipin. Ipinorma ko na parang kanyon ang dila ko, kaunting higop ng hangin, maliit na bwelo, presto! Kahit madilim sa kwarto, aninag ko na pumalakda sa pader ang maliit na bagay galing sa bibig ko. Naalala ko, nakalimutan ko na naman nga pala ang magsipilyo. Amoy diyablo na naman ang hininga ko. Sinabayan pa ng kakaibang aroma ng katawan ko. Amoy mama nga ako tulad ng laging sinasabi ng nanay ko.

Nagsawa sa panandaliang saya dulot ng kaunting ehersisyo sa dila at pagkakamot ng bayag. Buo na ang desisyon ko at akmang babangon na rin sana para magsipilyo't hilamos, nang biglang mawala ang malamig na hanging ibinubuga ng bentilador. Tumigil rin sa pag-ngawa ang pridyeder. Dating magsyota nga pala 'yung bentilador ko at pridyeder namin. Nasagot ang mga tanong ko. Bukas na lang siguro ako magsisipilyo.