Hindi ito katulad ng mga nakaraang pag-idlip na pagkagising e walang bago. Nand'yan pa rin ang mga lumang kwento't reklamo, pero natitiyak kong sa ibang aspeto ay maraming pagbabago - protektado pa nga ng bubble wrap at nasa loob pa ng kahon 'yung iba.
Kalusugan, trabaho, bisyo, pag-ibig, pamilya, kaibigan, pakikipagkapwa tao at kung anu-ano pa.
Magkakakonekta. Umiikot 'yung isa sa isa, 'yung lahat sa isa, 'yung isa sa lahat. Hindi mangyayari ang mga dapat mangyari kung kulang ang eksena sa kabila. O p'wedeng nangyari ang hindi dapat mangyari dahil lumabis naman. Sige na, sisimulan ko na.
Pamilya, kaibigan at iba pang tao. Katulad ng dati ko nang usap tungkol sa pamilya ko, wala naman kaming ibang problema bukod sa pera. Lahat ng ligaya na p'wede pa naming matamasa, mapupunan lang lahat ng pera. At kapag dumami na ang pera, p'wedeng may mabuong mga bagong problema. Pero hindi ko muna dapat intindihin 'yun dahil wala pa naman kaming pera, pera, pera!
Kaibigan - Hindi importante dito kung hindi pala nila ako itinuturing na isa dahil ako ang bida dito at panig ko lang ang mahalaga. Parang sila-sila pa rin naman. May ilang nadagdag. Ang totoo'y sinusubukan kong paramihin pa pero mukhang sa maling lugar ako naghahanap. Tungkol naman sa pakikipagkapwa tao, ang masasabi ko lang e hindi pa rin talaga ako magaling sa isang 'to. Para nga akong gago. Hindi ko naman sinasadya, pero parang nagiging suplado. Ayoko namang sisihin ang sarili ko na minsan ay ayaw kong mag-aksaya ng laway, lalo sa mga taong hindi ko naman gustong lawayan. Suma tutal, basta ang alam ko lang e may mali sa pakikipagkapwa tao ko. Mas dapat ko na nga atang pagtuunan ng pansin ngayon ang pagiging sipsip at pakikipagplastikan kahit mailuwa ko pa ang hotsilog na paborito kong order sa tapsihan ng hot na hot na si Sofia.
Pag-ibig. Ang laki ko naman sinungaling kung sasabihin ko na walang dumaang mga babae sa buhay ko sa nakalipas na halos tatlong taon. S'yempre meron, marami, wala nga lang "relasyon" at totoong dumaan lang, o pinadaan ko lang. Siguro kasi masyado na akong nagiging maingat. Nagiging sigurista pero wala sa lugar. Meron kasi akong hindi makita. May hinahanap akong pakiramdam. Pero hayaan na, hindi naman mahalaga. Isasabuhay ko na lang pansamantala 'yung nabasa ko sa effbee: "While you're waiting for Ms. Right, have some fun with Ms. Wrong." Bahala na kayo sa mga buhay n'yo, basta ako parang pakiramdam ko e handang handa na naman ako. 'Tang ina, ikaw ba naman ang mapag-iwanan na ng mga kaedad mo e.
Kalusugan. Nakakalungkot ibalita na parang nagiging sakitin ako. 'Tang ina kung anu-anong nararanasan ko. Nandyang tamaan ako ng Vertigo tapos lumalaklak pa rin ako kahit hindi pa tuluyang nawawala ang pagkahilo't lula ko. Sabihin na lang natin na parang napaaga lang 'yung pagse-celebrate ko na hindi pa pala tuluyang sira ang ulo ko kaya ko ginawa 'yun. O masyado lang talaga akong naiinip sa buhay at kinailangan ko ng kalinga ng isang "kaibigan" noong mga gabing 'yun. Bukod sa 'king inang Vertigo, hindi ko akalain na ang pagiging notoryus taba eater ko ang magpapabagsak sa'kin - hindi pa naman ako tuluyang bumabagsak, ang totoo'y hindi naman ako kayang pabagsakin nun, baka lang naman. Ayoko nang idetalye, basta kailangan kong kumain ng masusustans'ya, magbanat-banat ng buto't ipagpag ang katawan, higit sa lahat ay mabuhay ng tahimik sa loob ng dalawang buwan para bumaba ang mga numero. Sipunin pa rin pa nga pala ako, pero parang mas lumala ngayon kasi may kasama na s'yang bahing. Tapos sobrang lakas ko raw maghilik.
Bisyo. Iniisip ko pa lang na dapat ko nang iwasan ang alak at sigarilyo, napapayosi na agad ako. Mukhang tama si Sabayton, pag-ibig na lang talaga ang gawing bisyo. Basta doon sa walang sabit para walang maperwisyo. Kaya kong iwasan ang alak at magtiis na lang sa pagtitikol pero ang yosi, parang mahirap. P'wera siguro kung papalarin na akong makatisod na bagong tunay na pag-ibig na handang tumanggap sa mas matabang ako.
Kung anu-ano pa. Sa itinagal-tagal ko ng nag-iiskwating sa Kamaynilaan, noong nakaraang Marso lang ako nawalan ng telepono. Hindi holdap e, dukot. Dinukot ng tarantado harap-harapan sa bulsa ng pantalon habang abala akong nagpapaka-gentleman sa loob ng bus. Nakakahinayang 'yung village ko sa Clash of Clans, 'tol. Nakakahinayang din 'yung pinakamagandang puwet na nakita't nalapirot ko, mukhang malabo na ngang maulit. Bukod sa pagbabalak kong muling bumili ng telepono after 3 to 4 months siguro, sisikapin ko na talagang makabili ng bisekleta para tuluyan ng magkaroon ng drive sa buhay ko.
Buhay. Este trabaho. Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga taong nakapalibot sa'ken na isang beses pa lang akong nagkakaroon ng tunay na trabaho. At tulad ng nakararami, panay pagrereklamo rin ang naranasan ko sa unang sampung buwan, extended hanggang makalampas ng isang taon. Urong sulong ang pagpaplanong magbitiw na. Nagkaroon ng ilang pagbabago sa management at kasosyo, nawala ang halos lahat ng mga kasamahan habang ako naman kasama pa ng ilan e piniling manatili. Naudlot na naman ang pagbibitiw na natuloy din sa wakas nitong nakaraang huling araw ng Marso. Ganun pala ang pakiramdam. Pero walang pagsisisi. Sa katunayan ay naging masaya ako. Mas masaya at handang-handa nang sumabak sa mas malaking sweldo, este adventure sa darating na Mayo. Salamat sa aking unang trabaho, swabe ang experience na ibinigay mo.
'Tang ina, nagmura na naman ako. Kasi naman, mare at pare, sa wakas e parang nagkakaroon na ng direksyon ang buhay ko. Huwag na huwag lang sasablay ang 'king inang medikal na hanggang ngayon e wala pa ring resulta kahit sangkatutak na pirmadong dokumento na ang naipasa ko sa mga imbestigador na inarkila ng papasukan kong kumpanya.
So, paano? Kitakits na lang ulet, mga beh. Sana magka-dyowa na ako.

No comments:
Post a Comment