Pages - Menu

Mastermind

Ang pahinang ito ay para sa lahat ng may lihim at lantaran na pagnanasa sa'ken -- kung meron man, kung meron pa. Ito ay para rin sa mga taong hindi ako kilala ng personal; para na rin sa mga tsismosa at mga usisero sa munting blog na pag-aari ko. Higit sa lahat, para sa mga scout na makaka-diskubre sa angking kagwapuhan ko, at handang mag-offer ng malaki para ako'y maging isang ganap na artista. Panis!

Uunahan ko na ho kayo. Action movies lang ang tatanggapin ko. O kaya naman eh katipo ng mga pelikula ni Lloydie. 'Yung sa leading lady naman, p'wede na 'yung mga datingan ni Solenn Heussaff. Ummm... p'wede na ring pagtiyagaan 'yung mga bagong sibol ngayon tulad ni Jessy Mendiola my love. Pero mas okay na okay at tunay na panalo kung si Marian Rivera ang makakatambal ko. Pakyu, Dong.

Pahabol: P'wede na rin palang raket ang hosting. Lalo sa mga beauty contest na may bikini portion tapos may kaunting lambutsingan at tsikahan.


Name: Mas kilala sa tawag na Goyo. Pero kapag chikas, madalas Alexis ang tawag sa'ken. Y'know, para pormal kunwari. Ewan ko, pero mukhang hindi naman ata kay Shaider nakuha ang pangalan ko.

Birth Date: May 25, forever 19 years old. Wala akong perang pampainom. Shooo!

Address: Dulong silangan ng Rizal, kapit-bahay ng Laguna. Actually, malapit lang ang bahay namin sa gilid ng Laguna de Bay. Mga isang daan at limampung hakbang siguro.

Education: Sa Morayta ako nag-aral, sa eskwelahan ng mga kalabaw. BS Electronics and Communications Engineering ang tinapos ko. Bumagsak sa board exam. Walang trabaho. Tambay at isang malaking palamunin. Speaking of lamon, ikasa mo na ang isang kalderong kanin kapag hindi masarap ang ulam, abot dalawa naman kapag may sawsawan.

Nagmamadali sa pag-eedit noong 10/26/12: Oy! Nakalusot na nga pala ako sa board exam at legal nang maglagay ng apat na letra't isang tuldok sa unahan ng pangalan. Sa kasamaang palad, hilaw na hilaw pa rin ako sa karanasan at magiting na palamunin at tambay pa rin hanggang sa ngayon.

Inedit ng bahagya noong 7/21/13: May trabaho na ako. Yesss! Pero pakyu ka pa rin, Dong.

Motto: Isa ito sa pinakamahirap sagutan sa slum book e, kaya pass muna tayo. Next time na lang siguro kapag may ibubuga na ako.

Hobbies & Interests: Mahilig akong manghunting ng chicks noon. Good boy na kasi to-its! Pero hindi pa rin liver lover. 'Pag minamalas ka nga naman, hindi rin lover boy dahil matagal-tagal na akong single ngayon. Alam kong wala sa hitsura, huwag n'yo nang ipagdiinan. Pero kasi, maniwala na lang kayo, totoo ang sinasabi ko.

Malakas ang sex appeal kahit mataba, walang halong bola at yabang. Tama ba na sa Hobbies & Interests ko inilagay ang mga kalokohang 'to? Nevahmind. Pakyu, Dong.

Favorites: Lahat ng maliliwanag na kulay. Ayos lang kahit anong kulay ng panty ang isuot mo, basta malinis at mabango. Biro lang, dahil si Marian lang talaga ang mahal ko. Mahilig akong kumain. Mainit na taba ng baboy ang isa sa paborito ko; maaaring prito o kasama sa sinigang at nilaga. Tamad akong maligo. Pero ngayon sinusubukan ko nang baguhin ang nakasanayan kong 'to. Mahilig magbasa ng kahit anong walang kinalaman sa pag-aaral. Pakiramdam ko cool ako. Sampol lang na hilig kong purihin ang sarili ko. Paborito ko rin nga pala si Kobe kasi pakyu si LeBron. Nababaduyan ako kay San Gokou. Mahilig din ako sa musika at kung anu-anong arte at sining lalo na 'yung mga nude art daw. Sa kasamaang palad, pagpapa-cute lang ang naging talento ko, hindi pa epektibo. Nga pala, pakisama na lang ako sa favorite blogger kuno mo. Thanks!

Describe Yourself: Matangkad sa taas na 6'1 pero maliit ang kuwan. May pabagu-bagong amoy ng katawan depende sa panahon. Mataba lalo sa parteng tiyan. Maputi ata ako, 'di ko sigurado. Judge me na lang po -- isa 'to sa paborito kong sagot noong highschool.

Lantad na lantad na ang katauhan ko -- kunwari anonymouse ako dati. Sana naman walang magbalak na itumba ako, 'no. Kung meron man, aba'y good luck, duwag ako. At kung sakali mang makita mo ako sa kahit saang lugar, please lang pakitawag ang pangalan ko tapos picture-picture tayo. Teehee. Suso. Este, xoxo.