Pages - Menu

Monday, March 21, 2011

Ineng in Wonderland

Kung pagandahan at pagiging mabait na anak at kapatid lang ang usapan, walang duda pasadong pasado si Ineng. Kanino pa ba naman 'to magmamana e di samin lang din na mga kapamilya. Lalo na siguro sa kuya. Ehem.

Nitong nakaraang byernes lang ay nakagraduate na ang kapatid ko sa kursong Nursing, meron pa nga palang isang graduation bilang istudyante naman, 'yung naka-toga. Dalawang taon ang tanda ko sa kanya at oo tama ka, naunahan n'ya pa akong makagraduate. Gaano ko man kagusto na tungkol sa graduation ko ang maging laman ng post na 'to, inadya ata talagang maunang makatapos sa'ken ang kapatid ko. Siguro para mas tumibay ako. Magandang palusot 'yun.

Ang eksena sa ibaba ay muntik ng magbigay ng landslide sa mga muta ko kasama ng mga luha galing sa mata ko. Tiniis ko na lang na hindi maiyak, baka kasi magtaka 'yung ibang katabi ko na ang laki-laki kong tao tapos iiyak-iyak ako. Ngayon ko lang ulit nakita at naramdaman ang emosyon ng mga taong nasa ganung pagdiriwang. Highschool pa ako huling nakapanood ng graduation, graduation ko pa noong 4th year.


Bilang mga magulang, isa ito sa pinakamasayang eksena para kay nanay at tatay. Isang eksena na pinapangarap nila para sa aming mga anak nila. Isang eksena na ipinagkait sa kanila. Sigurado akong walang mapaglagyan ng ligaya ngayon si tatay at nanay dahil nakapagpatapos na sila ng Nurse. Konting hintay pa sa Engineer. Bilang kuya at kapatid, walang makakapantay sa ligaya na nararamdaman ko para kay Ineng. Ang makita s'yang lumuha dahil sa sobrang kaligayahan at pagpapasalamat sa mga magulang namin dahil nakatapos na s'ya ng pag-aaral.

At bilang isang ordinaryong istudyante, isa ito sa nakakalungkot na eksena sa buhay ko. Nakakainggit sila. Nakakainggit ang bawat kuhanan ng larawan na akala mo hindi na muling magkikita. Ang bawat tawanan, ang ngiting walang mapagsidlan. Dahil din sa mga eksenang nasaksihan ko, ngayon pa lang alam ko na sa sarili ko na maluluha ako sigurado sa araw ng pagtatapos ko. Sana dumating na 'yun kahit ga-balde pa ang iiyak ko makatapos lang ng pag-aaral. Ngayon pa lang kasi, ikinokonsidera na kaming mga legends sa school. Isang karangalan na pinaghirapan namin. Hehe.

Si nanay at si Ineng. Pinakamahalagang mga babae sa buhay ko.

Para sa aking mahal na kapatid, masaya ako sa wakas nakatapos ka na. Naunahan mo pa ang kuya mo. Sorry sa mga kasalanan ko sa'yo, kapag nag-aaway tayo at binabato kita ng kung anu-ano, kapag binabatukan kita at kung ano pang masasamang salita ang sinasabi ko sa'yo. Ganun naman daw talaga kapag magkapatid laging nag-aaway. Tsaka syempre mga bata pa tayo noon. Pero ngayon, promise hindi na kita aawayin. Proud na proud ako sa'yo.

Thank you rin sa pagiging mabuting kapatid na babae sa'ken. Kahit kailan hindi ako nagkaproblema sa'yo na baka kung kani-kanino ka mapabarkada. Konting gala ka lang, uwi ka rin agad sa bahay. Natutuwa rin ako sa'yo at may pokus ka sa pag-aaral, hindi rin namin naging problema sa'yo ang boyprend boyprend na 'yan. Hindi ka pa nga nagkakaboyfriend, pero wag kang magmadali, 'yang ganda at tangkad mong 'yan, sigurado magkakandarapa sa'yo ang mga kalalakihan. Payo ko lang, kung magboboyfriend ka na, dapat mas gwapo sa kuya mo para wala kaming masabi.

Salamat ulit Ineng, sa mga simpleng bagay na ginagawa mo sa'ken. Naaappreciate ko lahat 'yun. 'Yun laging paghahanda ng pagkain, paglalaba minsan sa mga damit ko kapag nasa boardinghouse, laging pagpapautang mo sa'ken tapos hindi ko na babayaran, kapag hindi pa ako umuuwi lagi kang nagtetext, salamat sa pagmamahal kapatid. Mahal na mahal ka rin ni kuya.

Goodluck sa karera mo bilang Nurse. Sana makapasa ka sa board exam at magkaroon ka agad ng trabaho. I love you.

Edited November, 2011: Ngayon nga ay pumasa na ang kapatid ko sa board exam at nakaabot pa sa ika-24 na pwesto bilang pinakamataas sa lahat. May trabaho na rin at masayang naghihintay ng unang sweldo. Ako, bagsak sa board exam noong October, 2011.


22 comments:

  1. wow naman ang bait na kuya... im so happie nakagrad na din ang napakagandang kapatid mo hehehe.. :D

    ReplyDelete
  2. ang ganda...

    congrats sa kapatid mo parekoy
    and gudluck...

    malapit na din siguro grumaduate si kuya na pogi daw sv nya..hahaha

    ReplyDelete
  3. hahaha ang sweet namanag kapatid... feeling ko sulat toh ng kuya ko sa kin.. hahaha nice... congrats sa iyong kafatid :)

    ReplyDelete
  4. naks,,, infairview.. ganda nga si utol.. hehe.. congrats sa kanya! :)

    ReplyDelete
  5. Congrats ineng :) Hihihi makakagraduate ka din goyo. Invite mo kami sa graduation mo ha :) Pipicturan kita, dami.
    -Zyra

    ReplyDelete
  6. congrats kay ineng :)
    malapit ka na rin Goyo, konting tiyaga lang, matatapos mo rin ang karerang pinili mo.

    ReplyDelete
  7. congrats sa kapatid mo. malapit na din ikaw.

    ReplyDelete
  8. wow naman! congrats sa kapatid mo. ;)

    ReplyDelete
  9. congrats sa kapatid mo!! pareho pala tayo kakagraduate lang din ng kapatid ko sa nursing! hehehe! kuya ka at ate ako!! hahaha!

    nambabato ka din pala...same-same my friend!!! pero noon yun!

    ReplyDelete
  10. congratulations sa kanya...

    mag nursing ka na din, baka sakaling maka graduate ka na...

    i have two younger sisters, at naunahan din nila ako makatapos ng kolehiyo... musta naman yun, 13 years na ako sa college... chot!

    ReplyDelete
  11. congrats sa sister mo papa goyo:)

    ReplyDelete
  12. congrats sa sister mo sir goyo. :D

    hope makahanap sya kaagad ng magandang job offer

    ReplyDelete
  13. congratulations sa iyong kapatid!!! at sa iyo naman, darating din ang graduation mo :)

    ReplyDelete
  14. Naks naman! answeet sa kapatid oh... hehehehhe... congrats sa kanya! lapit ka na rin onti na lang... hehehheheh

    ReplyDelete
  15. congratulations!

    wishing you all the best
    with your family!

    ReplyDelete
  16. congratz sa kapatd mo parekoy. hehehe.. ^_^

    ReplyDelete
  17. nakaka-antig! msarap tlga makita ang bunga ng pinaghirapan, good luck sa sis mo.

    ReplyDelete
  18. takte! nakakapressure! takte lang kuya goyo, kelan ba tayo gagraduate? pati nanay at tatay ko nakakapressure din. omaygawd!

    anyways, congrats kay ineng! AT KUYA GOYO! BILIS BILISAN MO LANG ANO... GRUMADUATE KA NAAAA! ayusin mo na thesis niyo! (galit???!!!!)

    ReplyDelete
  19. congrats sa kapatid mo!

    kanina din nasa graduation ako, sa boypren ko naman, Nursing din. 2 nga graduation nila, isang clinical at isang institutional.

    nalulungkot din ako kasi dapat graduating nadin ako ngayong 2011
    e kaso sarap maging studyante kaya nagpadelay muna ako (magandang palusot din yon)


    nakakainggit, wala ng problema, chill muna sila at welcome sa real world sabi nga nila ^_^new chapter sa buhay. sana matupad ng sis mo yung mga dreams nya :D

    ReplyDelete