Pages - Menu

Saturday, December 10, 2011

Graduation Day

"Magandang umaga sa lahat ng taong naparito para makiisa sa pagdiriwang ng ika-42 pagtatapos sa paaralan ng Batobalani High School. Masaya ako dahil naimbitahan akong maging tagapagsalita sa natatanging pagdiriwang na ito, kahit hindi naman ako nagtapos dito.", paunang bati ni Buboy sa kanyang sisimulang talumpati. Dumukot sa bulsa para kunin ang lighter at sigarilyo, nagsindi, dumura tsaka muling bumalik sa pagsasalita.

"Ibabahagi ko sa inyo ngayon ang aking mga karanasan noong ako ay bata pa", naubo ng bahagya ang lalaki dahil sumabay ang pagsasalita n'ya sa paghits sa yosi.

"Ang pangarap ko noong bata ako ay simple lang. Gusto ko lang naman maging crew sa Jollibee. 'Yun lang talaga ang pangarap ko. Gusto ko kasing magpasaya ng mga bata, magsilbi sa matatandang customer, makakilala ng magagandang babae doon upang maging asawa at minsan 'pag walang ginagawa sa trabaho, patagong kakain ng maraming french fries at burger!", kamot sa ulo, hithit sa sigarilyo at balik ulit sa talumpati.

"Sa kasamaang palad, lumaki akong walang mga magulang na gagabay sa aming magkakapatid. Hindi katulad sa mga kwentong nababasa n'yo, hindi sila namatay sa isang malagim na aksidente. Medyo gasgas na 'yun parekoy. Naghiwalay lang sila basta kasi adik na, pusher pa ang gagong tatay ko, samantalang sugalera naman ang nanay ko. 'Yung dalawang kapatid ko naman, hindi naman ako ang mga magulang noon kaya pinabayaan ko sila sa kalye. Ewan ko kung nasaan na sila ngayon.", sisinghot-singhot na sabi ng tagapagsalita.

"Ah, e di 'yun na nga, binuhay kong mag-isa ang sarili ko, mga kababayan. Kumayod ako ng husto para may makain sa araw-araw. Noong disinuebe na ako, naglakas loob na akong mag-apply sa Jollibee.", itinaas ng bahagya ang nahuhubong short, humits sa sigarilyo at muling nagsalita.

"Putang ina 'yung gwardya dun. Papasok pa lang ako sa pinto para magpasa ng resyume, aba ayaw akong papasukin nung sinabi kong mag-aapply ako. Bakit kamo? Bawal daw ang panget at madungis dun! Gagong 'yun, e mas gwapo ako sa kanya! Hindi lang 'yun, sigurado pa akong mas malaki ang tite ko sa mokong na 'yun.", malakas na tawanan ang isinagot ng mga taga-pakinig.

"Itinigil ko na ang pangarap kong maging crew sa Jollibee. Nag-focus na lang ako sa next target ko, ang maging gasoline boy naman sa Petron. Swabe kasi dun 'pag madaling araw. Ang daming tumatambay na bebot dun sa bilihan nila. Ang lalaki pa ng suso at ang kikinis ng legs.", pagkatapos imustra kung gaano kalaki ang dibdib at kurba ng katawan ng mga babae sa kwento, bato naman agad ito ng puwitan ng sigarilyo sa 'di kalayuan sa kinatatayuan.

"Pinaghandaan ko ang araw ng interview ko. Syempre, kailangang serious! Kailangang makakuha ng syota sa gasolinahan! Kailangang makatotnak ng makinis at quality! Sa kabutihang palad naman, natanggap ako at nagkaroon ng trabaho sa gasulinahan na 'yun. Todo kayod ako dun. Para umunlad sa buhay, alam mo naman ang hirap ng buhay natin ngayon dito sa Pinas. Tatanga-tanga pa ang pangulo! Panot na nga, tamad pa. Mahina pa sa chiks! Langyang 'yan oh!"

"At kung iniisip n'yong succesful na ako ngayon at ako na ang may ari ng gasulinahan na 'yun, tang ina n'yo nasibak ako sa trabaho dahil nahuli akong nang-uumit ng pera sa kahera!", sabay sabog ng malutong na tawa katulad ng mga kontrabida sa pelikula.

"Kinasuhan pa nga ako ng amo ko dun e! Nagsosorry naman ako pero ayaw n'ya akong pakinggan, gago s'ya. Hampaslupa raw ako at walang pinag-aralan! E wala naman talaga!!! Higit isang taon din akong nakulong dahil walang pampyansa ang mga tropa ko! Kayong mga nandito, pinabayaan n'yo ako mga gago!", biglang umingay sa paligid. Nakikisabay rin sa tawa ang mga taong nandun kay Buboy.

"Pero dahil malaya na ako ngayon at graduate na sa pagiging bilanggo, makakaganti na tayo! Susunugin natin ang gasulinahang 'yun bilang ganti sa mga kahayupan at paghihirap na dinanas ko sa loob ng kulungan! Para na rin sa tang inang titeng 'to na naka-tattoo sa braso ko! Sinira ng amo kong 'yun ang mga pangarap ko sa buhay! Humanda s'ya! Hik!", namumula at nanlilisik ang matang tinapos ni Buboy ang mga litanya n'ya. Pupungas-pungas at gegewang-gewang na bumaba sa lamesang pinag-iinuman nila. Natapos ang munting dula-dulaan at pagbabahagi ng kwento bilang kunwaring nagbibigay ng talumpati.

Kinuha ang lighter at gasolinang ninakaw at sinipsip lang sa mga truck na nakaparada, mabilis tumungo ang mga high na magkakaibigan sa gasolinahang pasasabugin para sa pagdiriwang ng paglaya ni Buboy.


Ito ay lahok ko para sa Blogversary Writing Contest ni GasDude. Sino bang ayaw manalo ng 1TB Portable Hard Drive, diba?

16 comments:

  1. ow my gash lols tnt.
    natawa ako dahil pangarap kong magservice crew sa mcdo o kaya operator sa enchanted kingdom. hehehe
    nice entry. makatotohanan. pang indiefilm :)

    ReplyDelete
  2. hahaha naaliw at ako nadala ng sobra,kunwari isa ako sa tga pakinig..ganun pla magspeech ang lasing..kakatuwa.tnt..ayos ito goyo!
    Ikaw na tlaga!:)

    ReplyDelete
  3. medyo da best. hehe

    ReplyDelete
  4. To Anonymous:
    The best naman talaga ang pagkakasulat, inang 'to nahiya pang umamin na mas magaling si idol saknya.

    Actually, ang galing nagpagkakasulat. Nakaka aliw. Simula ngayon magbabasa na 'ko ng mga isusulat mo, bHee_18.

    ReplyDelete
  5. ang galing! akala ko talaga may pinapanood kang nagbibigay ng talumpati sa graduation :P

    ay teka... onga pala d muna ako magsasalita ng kahit na ano... narealize ko lang na entry pala toh para kay gasul hahahaha

    ReplyDelete
  6. hahahaha sino nga ba namang ayaw manalo ng 1TB diba!? AKO GUSTO KO. kung pwede lang sana e =( super kulang na ung hard drive ko hahahhaa

    ReplyDelete
  7. ang ganda ng twist ng story kala ko p nman ngttlumpati yun pla inuman session!
    gudluck!

    ReplyDelete
  8. hahaha! nabigla ako sa speech ni kuya. sabi ko: teka lang, pwede bang magmura sa harap ng isanglibong estudyante? dula-dulaan lang pala. okey 'yung choice of words. totoong-totoo. goodluck sa pakonteshit ni gasoline dude. \m/

    ReplyDelete
  9. naks magandang lahok para sa contest.. pero maloloka ako kapag ito ang speech na maririnig ko sa araw ng graduation... pero sobrang mamatay ako sa tawa pag nagkataon...

    ReplyDelete
  10. Nahiya ako bigla sa entry ko (na hindi ko pa sinisend). Mukhang iyo na ang hard drive ah! Hehe. Kaya pala nagmumura pa si Buboy, akala ko talumpati talaga LOL. Good luck sa crew on duty.

    ReplyDelete
  11. hahaha! ang bagsek ng plot. makatotohanang paglalahad ni buboy ang wentong 'to. goodluck, goyo!

    ReplyDelete
  12. Ang kulit! Hahaha! Panalo tong entry mo! Good luck!

    ReplyDelete
  13. Ngayon ko lang 'to nabasa, idol. Lol. Nanalo ka ba? Wala akong balita.

    ReplyDelete
  14. ANG GALING! NAKAKAADIK! Isa na namang bagong inspirsayon ang dumating sa'kin. SANA MANALO KA! :D

    ReplyDelete
  15. After more than a month of reading and putting scores on each entry, FINALLY! Check my blog for the list of winners. Salamat sa paglahok at pagsuporta sa aking munting patimpalak. :)

    ReplyDelete