Pages - Menu

Friday, January 6, 2012

Silhouette Massacre

Eksakto isang araw, ganitong oras 'yun noong ginising ako ng kapatid ko kagabi.

Ordinaryong araw lang tulad ng dati. Tambay pa rin sa bahay at maghapon lang nagbabad sa harap ng computer. Mamatay man kayong lahat, hindi ako nanonood ng porn dito sa PC. Tetris lang ang pinagkakaabalahan ko sa Facebook! 'Yun nga, nakatambay lang ako sa bahay at nakababad sa harap ng computer, nag-iinternet at syempre nanonood ng porn. Hanggang hapon ay ganun lang ang ginagawa ko. Kakain kapag gutom, kakain ulit kapag sawa na sa, uulitin ko, paglalaro lang ng Tetris ang ginagawa ko dito.

Pagkagat ng dilim, hahalili naman ang kapatid ko sa paggamit ng computer. 2012 na kaya kailangan kong maging mapagbigay at hindi maging maramot. Habang nagpe-Facebook si utol, ako naman ay nakatunganga lang at nagpapababa ng kinain habang nakahiga. Isipin mong mabuti kung sa papaanong paraan bababa ang kinain ko gayung nakahiga ako. Gamitan mo ng logic at derivative kung kailangan. At dahil nga sa pagkakahiga at tyempong lapat na lapat ang likod ko sa malambot na kutson dahil sa bigat ng sikmurang busog, mabilis pa sa pagkagat ng lamok ay agad akong nakatulog. Walang liguan, kain at tulog agad. Wala namang bago, sanay na ako sa ganun.

Pagsapit ng alas-dose y medya, habang himbing na himbing ako sa pagtulog ay ginising ako ng kapatid ko. Tinatawag n'ya ang pangalan ko sa boses na piit at mahina. 'Yung boses na alam mong importante kaya ka tinatawag. Bilang sobrang bait na kuya, kahit antok na antok pa ay tumugon ako sa pagtawag n'ya. E pa'no, magkatabi lang naman kami sa higaan. May nakita raw s'yang anino sa bintana. May tao raw na umaaligid sa bahay. Alisto agad ako. Tinanong ko s'ya kung nasaan. Tumingin ako sa bintana, nakita ko ang anino na gumalaw. Nawala rin agad. Pinakiramdaman namin. Tabi-tabi kaming tatlo sa higaan kagabi. Sa ulunan ng higaan ay may malapit na bintana na nahaharangan ng kurtina, hindi kalayuan sa tagiliran ay may isang bintana ulit kung saan namin nakita ang aninong unang naispatan ng kapatid ko.

Hindi ko alam kung tama ba ng antok o sobrang panonood ng pelikula at porn kung bakit ganun agad ang tumakbo sa isip ko. Tahimik lang akong nag-aabang sa muling paglapit ng tao sa labas papunta sa bintana. Inaasahan ko ang gagawin n'yang pag-atake sa amin mula sa labas sa pamamagitan ng bintana sa ulunan. Ilalabas ang mahabang kutsilyo at basta na lang mananaga, bahala na kung sino ang abutin. Magnanakaw siguro 'to, 'yun ang unang pumasok sa isip ko. Unang-una, wala naman kaming kaaway sa bayan namin kaya wala talaga akong maiisip na may gagawa sa amin ng ganun. Pangalawa, sobrang bait ng pamilya ko.

Sobrang kabado ang kapatid ko na para bang may masamang mangyayari. Gumapang ang kabang nararamdaman n'ya papunta sa akin hanggang sa magpasya akong tumayo sa pagkakahiga at sumilip sa labas. May pagpipigil at pagtutol pa sa kapatid ko. Nakita n'ya raw ulit ang aninong gumalaw. Hindi lang 'yun, may nakita rin s'yang pulang ilaw na tila baga galing sa sigarilyo. Pinipigilan pa rin ako ng kapatid ko. Sa isip ko, gusto kong kumuha ng kutsilyo at pamukpok sa ulo para handa. Baka kasi mapalaban ng wala sa oras, mahirap na.

Bumangon na ako ng tuluyan at binuksan ang ilaw sa kwarto pati ang lahat ng mga ilaw sa labas ng bahay. Sumilip sa bintana at kinumpirmang walang tao. Hindi pa rin kumbinsido ang kapatid ko na walang tao. Ipinaliwanag ko na't lahat-lahat na ang anino ay galing sa mga dahon ng punong natatamaan ng ilaw mula sa poste sa kalsada, habang 'yung parang baga naman na nakita n'ya ay ang pulang ilaw sa tuktok ng tower ng Smart.

Para bang nagising sa panaginip at nakahinga ng maluwag sa awa ng Diyos ang kapatid ko noong maamoy n'ya ang mabahong hangin na nagmumula sa bunganga ko. Gising pati ang diwa ko pagbanda ng hininga ko pabalik sa ilong ko sapat para makumpirma ko na bad breath nga ako. Salamat sa baho ng hininga ko at nakumbinsi rin si Ineng na dahon at ilaw ng tower nga 'yun.

Natulog na si Ineng. Nagsipilyo naman ako.

7 comments:

  1. bwahahaha. nagising si ineng sa katotohanan,,,, guni-guni lang yun. :D

    ReplyDelete
  2. salamat sa mabahong hininga nakampante ang kapatid mo. hahaha ang kulit =D

    ReplyDelete
  3. ang moral ng story: magtutbras bago matulog. tsaka bawas-bawasan ang pagtitikol. XD

    muka ngang lumiliit na mundo ko. hindi ko alam na marami na palang nakakaalam na alam nilang alam kong hindi nila alam ang karakas ko pero alam pala nila at ako lang ang hindi nakakaalam. iskeri.

    ReplyDelete
  4. Di bale ng mabaho ang hininga atleast hindi bakla.

    Oi Lio, nakabuyangyang mga pekpektyur mo at mata mo lang ang tinuldukan mo. Malamang sa makatuwid, makikilala ka ng marami. Subuan sa kepsi! da best.

    ReplyDelete
  5. May punto nga naman si SB sa sinabi n'ya. Tuldok nga lang sa mata ang takip ng mukha mo, Lio.

    Tama ka rin SB na okay lang kung mabaho ang hininga "paminsan-minsan" lalo at bagong gising naman, basta gwapo.

    ReplyDelete
  6. Hehe.. pambihira.. buti na lang at nagising si Ineng.. hahahaha... Happy new year sayo.

    ReplyDelete