Pages - Menu

Sunday, February 28, 2010

Disinuebe

Ang lahat ng mababasa n'yo dito ay hango sa mga tunay na pangyayari.

Nakatikim ka na ba ng disinuebe? Kung "Oo" ang sagot mo, pareho pala tayo. Ganito pala ang pakiramdam ng 19; masaya at masarap talaga sa pakiramdam. Ibang-iba sa 15, sa 16, sa 17 at sa 18. Mas masarap. Teka, ano bang iniisip mo? Baka kung ano na 'yan. Ngayon lang ako nakatikim ng 19 sa buong buhay ko. Next month 20, tapos 21, 22, sunud-sunod lang. Alam ko kasi 'di na matatapos 'to. Alam ko na habang buhay akong bibilang sa kalendaryo kasama n'ya.

Maiba tayo, marunong ka bang bumanat? 'Yung mga cheesy lines? Ako may kilala, dalawang tao. Hulaan n'yo.

Alam mo ba kung paano bumanat ang Physical Therapist student?
Gail: Para kang cardiac pulmonary system ko. I can't live without you.

Magpapatalo ba naman ang Electronics and Communications Engineering student?
Goyo: Para kang calculator, kasi ikaw lang ang kasama ko sa mga problems ko. 

E ang banat ng kikay alam mo?
Gail: Para kang make-up, gumaganda ang araw ko.

Ang banat ng matakaw at gutom, may idea ka?
Goyo: Para kang rice. I can't let a day without you.

Nakakatuwa lang, kasi lahat ng mga banat namin noong araw na 'yun related sa personality namin. Mga simpleng salita na kahit pa sabihing cheesy, alam namin at ramdam namin na totoo lahat ng bawat linya at galing sa puso.

I love you honey. Happy 19th Monthsary.

Akalain mo nga naman 'yun.

1 comment:

  1. OHM's Law ka ba?
    kasi kasi kasi My current is directly proportional to the voltage at inversely proportional to my resistance. kaya hindi ako makaresist sa'yo! yan ang banat ng mga ECE!

    naks! talaga naman! congrats sa inyo! ang tagal na niyan! sana kayo na nga! yeeheeeeeeeeeeee!

    ReplyDelete