Isa ka bang tarantado tulad ko? Sana hindi. Teka mali ang tanong ko, talentado ka ba?
Mainit na mainit pa ang pagkapanalo ni Jovit Baldivino sa Pilipinas Got Talent. Isang simpleng kabataan na pinagkalooban ng malahalimaw sa husay na boses, isang kabataan na ngayo'y nagsisilbing inspirasyon sa maraming Pinoy sa bawat sulok ng mundo. Gusto lang kitang batiin sa pagkapanalo mo dahil maging ako ay taga-hanga mo at isa sa mga may crush sa'yo. Asa ka boy, dahil mas gwapo ako sa'yo.
Mainit na mainit pa ang pagkapanalo ni Jovit Baldivino sa Pilipinas Got Talent. Isang simpleng kabataan na pinagkalooban ng malahalimaw sa husay na boses, isang kabataan na ngayo'y nagsisilbing inspirasyon sa maraming Pinoy sa bawat sulok ng mundo. Gusto lang kitang batiin sa pagkapanalo mo dahil maging ako ay taga-hanga mo at isa sa mga may crush sa'yo. Asa ka boy, dahil mas gwapo ako sa'yo.
Matagal ko ng iniisip kung anong talento ba meron ako. Sa tagal ng pag-iisip ko, nauwi ito sa konklusyon na parang wala naman ata akong talento na maipagmamalaki, 'yung tipong mahusay talaga ako sa bagay na 'yun. Unang una sa pagkanta, madalas nasasabi ko lang sa sarili ko na magaling akong kumanta kapag nakainom at may lakas na ng loob humawak ng mikropono.
Hindi rin naman ako papahuli sa sayawan, hindi ako papahuli ng buhay sa dami na ng mga paang natapakan ko. Maging sa mga party sa school, dyahe rin ako madalas sa pagsayaw. Sumasayaw lang ako kapag sweet na ang tugtog, ikaw na ang makayakap ng chix diba, 'di ka pa ba sasayaw? Minsan lang ang pagkakataon na libre yakap sa mga kaklase noong highschool, samantalahin na.
Sa larong basketball bigo rin ako. Tyempuhan lang kung maganda ang ilalaro ko, madalas madami akong error. Naalala ko pa nga dati na minsang mapasali ako sa liga, rookie ako noon, unang hawak ko ng bola galing sa rebound, ibinuhos ko ang galing ko sa pagpapashoot sa ring... sa ring ng kalaban. Napakamot na lang ako sa nangyari. Ito na siguro ang pinaka-highlights ng basketball career ko.
Pagdating naman sa mga instrumento, wala rin akong alam tugtugin kahit isa. Pagpapa-kyut lang ata ang talento ko, sablay pa. Sa panulat naman, trying hard ako bilang blogger. Ang dami kong talento, nakakatuwa.
'Di naman mahalaga kung marami kang talento o wala. Siguro mas mahalagang malaman na nagsusumisikap ka na gumaling at umunlad sa mga bagay na mahal mong gawin. E ano naman kung hindi ka magaling? Kung iyon naman ang nagpapasaya sa'yo, walang dahilan para sumuko.
Ang pagiging mabuting tao ay higit pa sa kahit anong talento. Ang pagkanta ng isang ina sa paghehele ng anak ay daig pa ang boses sa album na double platinum. Ang isang ama na tinuturuan ang anak na maglaro ay magaling pa kay Kobe. Ang pagdating ng araw na iaabot mo na ang diploma sa magulang mo ay higit pa sa karangalan na makikita ka nila sa tv. Lahat ng bagay basta posible makakamtan basta may pagsisikap.
Look who's talking.
Look who's talking.
inspiring post \m/.
ReplyDeleteat pootek, natawa ko sa buslo mo sa bola sa ring ng kalaban.
Two thumbs for this post parekoi Goyo!!! Touch tlga ako SUPERB! Anyways, I am not fun of playing basketball though! Pero I love more mga mental na sports..I dont know..I am not that athletic kasi! hahaha!
ReplyDeletePero sa last paragraph mo, you made me realize something! Pwede ka ng maging Filipino Feature journalist! Weee...
parang ako din yan
ReplyDeletewala ding talent sa music at iba pa
puro aral lang alam
pero tama ka plus factor lang pagiging talented kasi lahat ng bagay nagpag-aaralan at pwedeng pagsikapan
great post sir
yup, lahat ng imposible, pwedeng maging posible kung tlagang determinado kang gawin.
ReplyDeletenaiiyak naman ako sa last paragraph mo...
ReplyDeletesabi nga nila....
ReplyDeleteWhat the mind concieve...
The body Can Achieve...
Centrum Complete...
Ahihihi
Walang imposible sa taong naniniwala sa Diyos at sa sarili...
owlryt!
galing ng post!! i lavet!!! ^_^
ReplyDeletesiguro hindi pa lumalabas ang tunay mong talent. darating din yan..... COMING SOON!!!! lol parang movie lang eh
hayuf na banat yang last part. sige na ikaw na ang blogger. may talent ka na.. blogger! hakhak!
ReplyDeleteako? sige na ako na ang tarantado. wala na akong ibang ginawa kundi bumanat lang. hakhak!
nakarelate ako sa umpisa wah
ReplyDelete'walang talent'
ako yun eh ahihi XD
pero tama tama! mag aral nalang mabuti, yeah!
=)
Ang seryus ng last part!
ReplyDeleteAko meron akong kaisa isang talent kung saan magaling ako.
Kumain hihihi
naks! drama much! may talent ka naman talaga eh..talent mong subukan ang lahat ng bagay. wag mo maliitin yun! jack of all trades ka! yeah! hahaha!
ReplyDeletehuwaw! lufet ng banat mo master goyo... dun sa last part ng post mo. :D
ReplyDeletemainit na mainit pa nga ang pagkapanalo ni jovith..pero di ako pabor na siya ang nanalo..dahil si alakim ang para sa akin ay dapat na nanalo..
ReplyDeleteWahaha! Talentless ka? Hindi naman siguro. Meron ka sigurong tinatago d'yan sa loob ng iyong katauhan.
ReplyDeleteAko marami akong talent. Kasi sa paniniwala ko na ang talent ay hindi limitado lang sa mga pinapalabas sa TV tulad ng pagkanta at pagsayaw. Maraming talento sa mundo ang hindi nabibigyan ng pansin eh.
AWESOME post! Ganda nung last paragraph. :) Pero ako din, walang katalent-talent. Haha! Pero kung talent ang pag-spell, ahem, TALENTED din ako. ^^
ReplyDeleteat kailangang daanin don...sa kabutihan ng puso.lol
ReplyDeleteokay lang yan. kahit na Jack of all trade, master of none., basta maraming kayang gawin. di boring kasama......
pareho pala tayo parekoy, napakaraming talent. ang talent ko ay ang pagkakaroon ng walng talent!
ReplyDeletehahaha.. kunyari ka pang walang talent..tsktsk..
ReplyDeletewala namang taong pinanganak na may talent eh. lahat yun dumaan sa tamang trainning at pagsusumikap..
know what's ur talent goyo? ur a writer!! :) i love how u write :)
ReplyDeletedahil wala ka sa mga binangit mong katangian at sports... mag-isip ka ng ibang bagay na siguradong ikaw ang mag excell
ReplyDelete1. padamihan ng kulangot
2. pabahuan ng utot
3. palakasan ng hilik
4. at marami pang iba...
these talents are within you..
for you to discover..
para sa akin isa kang magaling na blogger. i like your blog. keep up
ReplyDeletenice one! ^_^ higit pa sa nakaimbento ng nuclear ang taong marunong umutot sa tamang lugar..haha...bitaw, ^^ ayos ...tats naman ako...pero go JOVIT!!!
ReplyDeleteAww may inspiring message sa huli hehehehe
ReplyDeletehaha. Ako din, natanong ko na sa sarili ko minsan yan. ano nga ba ang talento ko? WALA NAMAN TALAGA EH :( Gustong gusto kong kumanta pero bumabagyo kapag ginawa ko un. Pero tama ka, ang pagiging mabuting tao ay walang kapantay sa kahit anong talento. :)
ReplyDeletePS. Si jovit ay halimaw. haha! Ang liit nya kaya tapos ganun yung boses nya XD
naks!
ReplyDelete(familiar ba angn koment?) lolz
that's the spirit buddy...atleast umuunlad at hndi nagiging stagnant hehehe...keep on aspiring!keep on inspiring others as well...talent na kaya un tulad nitong post na ito I was inspired hehehe...
ReplyDeletehahaha,... ok ah,.. magandang talent yan!
ReplyDeleteah basta ako madami talent... lol. paepal lang sa blog mo... 'love your blog.
ReplyDeletepareho pala tayo ng problema.. may ganitong post din ako, nasa wordpress nga lang.. hehehehehe wala rin akong maisip kung ano nga bang talent na meron ako.. hehehehehe
ReplyDeletebut you've got a good sense of humor in blogging.. ;)