Pages - Menu

Sunday, August 29, 2010

Cheekie and Friends

Sa wakas ay may electric fan na sa boardinghouse. Preskong presko na ang tulog sa gabi. Dahil sa sobrang ginhawa na sa kwarto, madalas akong makatulog na lang basta. Wala namang problema kung basta ako makatulog kahit nakanganga pa at tulo laway, ang nakakainis lang ay lagi na lang akong hindi nakakapag-sipilyo ng ngipin bago matulog. Ang sama tuloy ng amoy ng hininga ko sa umaga. Isipin mo lahat ng bacteria sa maghapon na tumambay sa bunganga ko. Hindi ko man maamoy ang sarili kong hininga sa umaga, nalalasahan ko naman. Kaya pagkagising pa lang, sampung minutong sipilyo agad ang inaatupag ako.

Ang akala kong normal lang na buhay sa bago naming boardinghouse ay may kaakibat palang konting gulo, hindi sa mga kasambahay namin kundi sa mga kasama naming hayop sa compound. Ang apat na asong pangalanan nating Cheekie and Friends.

Hindi naman ako takot sa aso, umiiwas lang ako. E kasi naman ayokong mag-alala pa si ermat at erpat sa akin kung sakaling makagat ako ng aso. May masama kasi kaming nakaraan sa mga lintik na aso na 'to tungkol sa bunso namin.

Si Cheekie ang pinakamatapang sa apat na aso sa compound na 'yun. Maghapon lang siyang nakatali at kahol ng kahol sa mga taong makikita. May tatlo pang kasama si Cheekie, si Bakla, si Whitey at isang aso na hindi ko alam ang pangalan.

Sa tuwing papasok ako sa compound, oras na tumunog ang gate ay sasalubungin ka ng tahol ni Bakla at Whitey. Si Bakla ay medyo ka-close ko na. Kapag kasi tumahol s'ya at tinawag ko ang pangalan ay tumitigil naman. Itong si Whitey naman na ilang libo ang kapangalang aso ay medyo close ko na rin. Kaya lang makulit s'ya, tang ina gusto pang pumasok sa kwarto namin. 'Yung isang asong unknown naman at wala talagang pangalan, mukhang pang-display ang breed, naka-hawla kasi na parang ibon, medyo cute at balbon.

Isang byernes ng gabi pagkatapos ng klase ko bandang alas-syete, medyo natripan kong umuwi ng late. Wala kasi ang kapatid ko sa boardinghouse noon dahil nauna s'yang umuwi ng Rizal. Nagpunta ako sa pinakamalapit na suking computer shop para hasain ang aking angking husay sa pagdo-Dota. Pasado alas-10 na ng ako ay matapos sa paglalaro. Medyo umaambon, sa pakiwari ko may mangyayaring hindi maganda. Kasabay ng buhos ng ulan, ang dumadagundong na kulog at ang maliwanag na kidlat. Sinuong ko ang unos na ito (epal magkwento) sakay ng jeep. Sa wakas nasa compound na ako at handa ng magpahinga. Pagbukas na pagbukas ko ng gate, isinara ko agad at mabilis na humakbang ng pitong sunod. Natigilan ako sa lisik ng matang nakatingin sa'kin. Napaatras ako at lumikha ito ng konting ingay. Senyales na para tumahol ang putang inang si Cheekie na hindi pala nakatali. Nilapitan ako ng hayop na aso at akmang dadambain, napaatras ako at napasigaw ng "Cheekie!" sa galit at medyo nagmamakaawang boses. Tumigil si Cheekie kasama si Bakla at Whitey sa kakatahol. Nakatitig ang tatlo sa akin. Hindi ako gumagalaw. Dahil oras na gumalaw ako, susugod na naman at tatahol ang tatlong mokong na ito. Nag-iisip na ako ng paraan kung paano makakapasok sa kwarto. Pero walang paraan, wala ng gising sa compound. Sa labas ba ako matutulog? Pakshet. Sa awa ng Diyos, biglang bumukas ang bintana at may nagsalita. Si Ate Elsa, "Ikaw ba 'yung tinatahol?", "Opo", sagot ko. Biglang lumambot ang boses ko at nagmukhang kawawa. Itinali na si Cheekie at sa wakas nakapasok na ako sa kwarto.

Naalala ko tuloy noon kapag inaabot ako ng alas dos ng madaling araw pagdodota sa Jalajala. Alam n'yo naman sa probinsya, nagkalat ang aso pagkagat ng dilim. Kapag papauwi na ako, naghahanda na ako ng dalawang malaking bato. Marami kasing aso sa dadaanan ko. Minsan nga, dahil sa sobrang agresibo ng mga aso sa dadaanan ko, nagpasya na lang ako na sa bahay ng mga lola ko matulog at umaga na lang umuwi. Hindi ako takot sa aso, inuulit ko.

Naalala ko din noong nag-fieldtrip kami (<sarcasm> hindi ko pa nga pala nagagawan ng kwento ang masayang fieldtrip na ito</sarcasm>) sa Baguio, uso pala ang pagpapapicture sa mga dambuhalang aso sa Mines View Park. Nag-aya ang mga kaklase ko na magpakuha, extra lang ako. Succesful naman ang first picture with the dambuhalang aso kahit na medyo naiilang na talaga ako. Ako 'yung nakapulang hindi gaanong kagwapuhan sa larawan.


Halatang-halata naman na ilang ako, nasa gilid na nga ako e. Pagkatapos ng unang shot, meron pang isa. Change position naman daw sabi noong parang baklang pinagkakakitaan ang malaki n'yang aso. Ang gimik ganito, itaas daw namin ang mga kamay namin at ipapatong n'ya sa amin ang aso. Ok, sige call pare. Sabi ko sa isip ko kahit medyo ilang na talaga ako. Ang buong akala ko sa akin mapapatapat ang paa. Nakataas na kami ng kamay, ipinatong na ang aso, Putang ina! Oo napamura ako ng mahina noong ipapatong na sa hita ko ang malaking ulo ng dambuhalang aso na ito. Kasyang kasya ang mukha ko sa bunganga n'ya. Mabilis akong tumayo at nasabi ko na lang "Ayoko na. Takot ako dyan e". Pinanood ko na lang sila sa picture picture nila.
Hindi naman daw nangangagat ang mga asong ganun at mababait daw talaga ang mga St. Bernard. Wala akong pake, mga tang ina n'yo.


Ito na 'yung picture na tinakasan ko. Bigla akong naglaho. Doon ko napatunayan na mahal na mahal ko talaga ang mga magulang ko kasi ayaw kong makagat ng aso. Sino ba namang gusto.

Nang dahil sa mga lintik na asong 'to, napapahiya ang kamachuhan ko paminsan-minsan. Hindi talaga ako dog lover. Hindi talaga kami best friend. At hindi na mangyayari 'yun!

Lahat ng aso pakyu kayo! Isama na rin natin ang lahat ng mukhang aso!


27 comments:

  1. kung takot ako sa aso, nuknukan ng duwag ang pinsan ko.. kasama mga barkada ko, lagi namin syang napapagtripan na idaan sa kalye na maraming malalaking aso at saka kami magtatakbuhan.. naiiwan sya dun at napapalibutan ng aso at para syang maiihi sa takot! nyahahaha!!

    ReplyDelete
  2. lintek na aso. bakit kasing laki ng kambing? aso pa ba talaga 'yan?HAHA!

    ReplyDelete
  3. lol.

    madaming aso sa bahay namin sa pinas. pitbul, dalmatian, shi, dach, jap spitz, aspin, pug. hehe.

    kaya walang takot sa bahay namin sa aso.a

    ReplyDelete
  4. may alaga din kaming ao at ahit pa nga alaga,maingat na maingat pa rin ang approach ko sa kanya.

    yng i-witness episode kasi ng 'ranies' mula nung napanood ko,lintik na takot sa kagat ng aso ang sumiksik sa katawan ko.

    ingat lagi goyo.magandang araw.

    inadd nga pala kita sa blogroll ko.salamat!

    ReplyDelete
  5. nakakatuwa yung picture na kasama ka para talagang pilit na pilit ang pagpapa picture mo.

    ReplyDelete
  6. hahaha, kakatuwa ung unang picture. parang binantayan mo talaga ang aso at parang nakahanda ka ng umilag in case sumalakay ito bigla. lol.

    ako dog lover goyo. sa bahay namin may alaga akong pitbull. marami na siyang nakagat na kapitbahay namin, kaya tsinugi siya ng erpatz ko. hehe. laki din ng nagasta namin para sa anti-rabies.

    ReplyDelete
  7. ahahha! kalaki laki mong tao eh! ehehee.. uyy ang kyut nman ng asong yan! prang stuff toy lang ehehe. at kumusta ang lakas ng loob ng mga frens mo! lolz

    ReplyDelete
  8. kawawang bata oh. halatang takot na takot. hakhak! ang layo talaga sa aso.

    ReplyDelete
  9. takot din ako sa aso dahil minsan na akong nakagat nito, at 1 week akong nagpainjection para sa anti rabies.huhuhuhuh

    sa Dive & Trek sa Batangas may aso din dun ang pangalan niya ay Bogart magtatapon ka ng bote ng mineral water sa dagat at kukunin niya ito. wala lang share ko lang ahahahah

    ReplyDelete
  10. May mga tao naman ganyan na takot sa aso. Here, we have friends that dont like dogs too. We have two dogs but we put them away, like we tie them pag may bisita na takot sa aso coz they jump to anyone if they get excited. In the first pic, halatang halata naman na takot ka..hehehe.. Nice post.

    ReplyDelete
  11. hmmm... i think my friends also had a photo taken with the same dog... hindi ako mahilig sa aso kaya di rin ako nagpapicture LOL at least ikaw meron LOL

    ReplyDelete
  12. yung totoo!! aso ba talaga that? ohmy.

    congrats nga pala for having those wonderful friends. inggit me much

    ReplyDelete
  13. ako gusto ko rin ng mga dogs pero ayoko nung nanghahabol. Sa probinsya namin marami rin nyan pag gabi. Lagi din akong baon na bato pag nag lalakad na ko sa kanto na maraming aso at ang tsinelas ko nasa siko ko na handang handa ng kumaripas ng takbo ahahah

    ReplyDelete
  14. hello!
    ikaw ba yung friend nila antonio? la lang, nakita ko sa FB nya. goyo daw na blogger. Ü

    ReplyDelete
  15. yes naman sarap himasin ng asong yan. parang yan yong napapanood ko sa mga snow cartoons yung nag sasave ng mga injured skii-ers lol

    ayos to goyo!!

    ReplyDelete
  16. di nga halatang me trauma ka sa mga aso---ang lapit mo don sa picture e---parang halos nasa edge kana at di nasama sa frame.lol

    e---ang baho ng aso na yan. pero mabait. imagine mo naman ku8ng yan ang humabol sayo, anu kaya mangyayari sayo.

    bat ba maininit ka sa mga aso ha? hehehe

    ReplyDelete
  17. nagpapicture na rin kami jan. cute kaya :) nakashades pa nga yung dog nun eh. at sanay magpapicture yung aso in fairness. ngumingiti pa nga paminsan-minsan. lol

    ReplyDelete
  18. Ako rin takot sa aso kahit hindi pa ako naiimagine ko na kung gaano kasakit yun. Pero kapag napaamo na ang aso sa akin, close na kami. Sabi nila, para umamo ang aso sayo, pahiran mo sya ng dura mo sa noo nya, at ikaw magbigay ng pagkain nya

    ReplyDelete
  19. Ay.. ang cute ng St. Bernard. Isa sa mga dreamdogs ko.. St. Bernard at Labrador... Halata ngan medyo takot ka sa aso. Hehehe... =)

    http://neneleah30.blogspot.com

    ReplyDelete
  20. gusto kong mag alaga ng aso, lalo na yung malaking aso, kaso baka di swak sa budget. malakas lumamon yan. haha.

    sa amin, sa probinsya namin nila jepoy, kinakatay ang mga aso. sila ang kinakain. hahaha

    ReplyDelete
  21. ahahaha may cynophobia ka pala parekoy hehehe...pagka inaatake ka ng aso umupo ko lang at hihinto na yan sila sa pag atake sayo hehehe...

    ReplyDelete
  22. para sa mga nagtatanong kung bakit ganun na lang ang galit ko sa aso..

    read it: yung part na grade 4 ako.

    http://goyosadventure.blogspot.com/2009/11/kamusmusan.html

    ReplyDelete
  23. nakow, alam ko kung bakit nwala ka sa eksena dun sa huling larawan...naamoy mo un aso hanu!!! kz nman bawal ata maligi yang aso nayan sa mine's view, hehe

    ReplyDelete
  24. ahaha..cute ng pic na aso..ouy, bat nawala ka dun sa 1 picture?..nagdisappear..hehe :P

    ReplyDelete
  25. baka naman naka kain ka ng aso noon at hindi mo alam na aso pala yun. tinatahulan lang naman ng aso yung alam nilang kumakain ng laman nila. o baka naman feeling nila may gagawin ka sa kanilang masama.. hehe...

    padaan.. ang cute ng aso...

    ReplyDelete
  26. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    Contact Number: 09465046302
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete