Pages - Menu

Monday, September 13, 2010

Sablay

Dahil medyo ipinamalita ko sa mga kaibigan ko at ilang tao dito sa cyberworld ang plano kong pag-a-apply sa call center noong nakaraang linggo, iku-kwento ko na rin dito.

Limang mahabang buwan mula ngayon, sana maka-graduate na ako. Wala na akong subjects sa school, puro completion na lang ng ilang atraso at ang lintik na thesis namin pwede na akong umakyat sa stage at ipagsigawan sa mundo na 6 na taon ako sa kolehiyo. Take note: sa isang trisem school ako nag-aaral. Mahabang panahon ang 5 buwan, isama pa ang dalawang buwan bago mag-Mayo. Dahil d'yan nag-isip-isip talaga akong maghanap ng pagkakakitaan para kahit 'yun man lang panggastos ko sa sarili ko hindi ko na iaasa sa mga magulang ko. Call center ang sagot dito, sabi ko sa sarili ko. Naghanap ng mga kumpanya, nagpasa ng application dito online. Convergys ang pinuntirya ko. May tsansa raw kasing manalo ng Ipad kapag natanggap, may promo pa sila. Tinawagan ako at pinapapunta sa opisina nila para raw magkalinawan na.

Medyo excited din ako dahil ito ang kauna-unahang beses na mag-a-apply ako ng trabaho. Nakakakaba pala. Nagpagupit pa ako bilang paghahanda, nag-ahit ng bigote at balbas para raw pogi sabi ng nanay ko. Gumawa ng resume na hindi ko alam kung impressive ang laman, wala naman kasi akong maipagmamalaki.

Eto na, nasa MRT na ako. Hindi swabe ang pakiramdam ko, ang lagkit ng singit ko, bukod sa mainit, ang sikip kasi ng pantalon at brief ko. Nakawawa ang betlog ko. Pagbaba sa Ayala, naglakad-lakad ako, nagmumukha akong taong grasa kapag napapasabay ng lakad sa mga pormal na pormal ang itsura. Nahiya ako, naka-pormal-pormalan din kasi ako.

Glorietta 5. Pumasok ako. Hindi pa ako handang salubungin ang receptionist sa Convergys. Ang galing ng pinto, automatic. Pagpasok sa loob, nag-ikot-ikot lang, nagpalamig, hinanap ang banyo. Kumuha ng lakas ng loob sa inodoro, binola ang sarili sa harap ng salamin. Handa na ako, mahinang bulong ng isip ko. Bumaba ako. Lumiko sa kaliwa, lumiko sa kanan, automatic na naman ang pinto. Kinausap si receptionist, puro 'yes' lang ang sagot ko. Pati sa pagsakay sa elevator kabado ako. Bumukas ang pinto, andito na ako. Sinalubong ako ng matamis na ngiti ng baklang andun, hindi na ako nagulat. Madaming kabataan ang nandito, nakaupo, naghihintay ng pagkakataon para sa interview. Siguro katulad ko rin sila, o di kaya naman ay mas lamang sa akin kasi mga nakatapos na sila ng pag-aaral. Nahiya na naman ako sa suot ko, baka akalain nila Engineer ang apply ko, sana nagmaong at polo-shirt na lang pala ako.

Oras na ng interview. At ito ang pinaka-masayang nangyari sa lahat. Tatlo kaming sabay-sabay sa interview. Isang batang babae at isang Kano. Oo, may kasabay akong kano sa pag-aapply. Ngisi lang ako ng ngisi, nagpapalakas ng loob. Kinausap ang dalagita, nakakalungkot lang dahil tanggal agad s'ya, hindi raw umabot sa minimum requirements.

Halos hindi na ako nag-isip ng mga sasabihin ko kapag ako na ang tatanungin. Nag-enjoy ako sa pakikinig sa kwentuhan ng kano at baklang interviewee. Noong una nagtataka ako kung bakit s'ya nandito at nag-aapply sa call center. Tama ang hinala ko na may mas malalim pang dahilan. Biology ang kurso n'ya, marami ring alam. Nakasama raw s'ya sa pag-aayos ng stage ng Wowowee noong minsan itong mag-show doon. Nakakataba ng puso ang mga salitang narinig ko sa kanya. Mahal n'ya raw ang Pilipinas, bukod sa half noypi s'ya, masayahin daw ang mga tao dito. Sa Amerika, pakiramdam daw n'ya ay laging may magbabackstab sa kanya. Hindi n'ya alam sa Pinas may mga ganoon ding tao, pero sadyang mababait lang talaga tayo sa mga dayuhan. Ang bagal daw ng pamumuhay sa Pinas hindi katulad sa Amerika na parang lahat nagmamadali, hindi ko alam kung maganda o hindi ang bagay na 'to. Pero sa kanong nasa harap ko, mas gusto n'ya ang bagal ng pamumuhay sa Pilipinas. Ang sarap daw gumising sa umaga sa tilaok ng manok. Nakakatuwa pala talaga na masaksihan mo mismo na may isang dayuhan na mahal ang bayang minsan mong kinamuhian.

Sa kabila ng magagandang bagay na sinabi ni Pareng Kano sa Pinas, may kaakibat pa rin itong masakit na katotohanan. Sinabi n'ya na ang nanay daw n'ya (na isang Pinay), ayaw nang bumalik sa Pilipinas at mas gustong sa Amerika na lang mamuhay. Very Pinoy! Proud ako sa'yo, seryoso. Pangarap 'yan ng mga kababayan natin e, tapos nakuha mo.

Tapos na ang kano, ako naman ang iinterviewhin. May nasabi naman ako, pero bigla akong naubusan at tanging 'that's it!' na lang ang naibuga ko.

Habang naghihintay ng resulta, nginitian ko 'yung kano dala na rin ng pagkatuwa ko sa mga sinabi n'ya. Ibinigay na ang papel, natanggap si Boy Kano at ako hindi. Pansin ko na 'yung ibang andun, nahihiyang tumayo agad at lumabas ng pinto. Hindi man ako nakapasa, naging masaya naman ang karanasan kong ito. Ang dami kong nalampasan sa sarili ko. Nakaya kong lumakad mag-isa, makiharap sa tao at alisin ng tuluyan ang pagiging mahiyain, at nakakuha rin ng ilang tips para mas gumaling sa pagsasalita ng english. Bago pumasok si Kano sa next step, tumingin s'ya saken na tila hinihintay ako na sumunod sa kanya, hindi ako nakasunod...

Bagsak e, gago ba s'ya?


27 comments:

  1. wow goyo. oks lang yun. marami pang opportunity.. ang mahalaga tulad ng sianbi mo... marami kang natutunan.

    1. huwag magsuot ng masikip kapag may job interview

    2. iwasang makasabay ang kano sa callcenter interview.

    3. nakakapangpalakas ng loob ang banyo

    teka isipin ko pa iba..

    basta good luck sa mga susunod pang job interviews!

    ReplyDelete
  2. bat kasi nagsusuot ng masikip? sa kapatid mo yang brief ano? eheh piz..

    ReplyDelete
  3. oks lang yan. Kabiguan mang maituturing, pero karanasan padin.

    Next interviews mo tyak, mas mataas na mang maabot mo and possible na matanggap ka na.

    Good luck at ienjoy ang pag-hunt.

    Congrats na din dahil near na ang graduation mo.

    ReplyDelete
  4. OK lang yan, charge to experience hehe

    Tsaka madami pang iba...

    ReplyDelete
  5. Collzener. Hindi ba pwede ang jejemon sa call center?
    Kailangan diyan maarteng magsalita. Hindi pwede ang mga salita nating pangkanto.
    Subok lang nang subok Goyo. Adventure 'yan.

    Kamusta na?

    ReplyDelete
  6. First Time? Tindi mo pre, nalagpasan mo kahit ano resulta, di gaya ng iba na masyadong sineryoso ang mga ganyang bagay at galit na sa mundo :D

    Sunod wag ka nang sasabay sa kano, lalo't ang linya ng work eh englisan lolzz

    ReplyDelete
  7. Awww okay lang 'yan...
    At least alam mo na kung pa'no ka next time... Naging opportunity for new learnings tong nangyari sa'yo so sasabihin kong okay lang talaga yan. :)

    With regards to the kano... Positive nga naman tlaga ung pamumuhay rito... Pag masyado kasing mabilis lahat, dba andami mong namimiss. Nakkalungkot nga lang na syempre, yung nanay niya, ayaw na rito... Pero ganon na nga lang talaga ... At least masaya rin ako (tulad mo) na naappreciate niya ung bansa natin... :)

    Good luck sa next interview mo a! :) I'm sure you're much better na next time! :)

    ReplyDelete
  8. Ok lang yan parekoy. Marami pang pagkakataon. Praktis lang ng praktis. Maganda din ang naging karanasan mo at magkaka idea ka na next time.

    Goodluck!

    ReplyDelete
  9. yeah, Ok lang yon. that's part of job hunting. Reaching the interview stage is something big already. it will give you more idea and preparation the next time you will have an interview. So good luck. you will get in there.

    TC

    ReplyDelete
  10. aysus yakang yaka mo yan..ganyan din ako dati..bwahaha. putang ina hanggang ngayon..tsk magmodel k n lngkay sir anton. picture picture

    ReplyDelete
  11. awww. ayus lang yan. madami pang pagkakataon.

    ReplyDelete
  12. wow.. ang tapang mo para sa "first time"

    dont worry.. marmai pang MAS magagandang opportunities na mag oopen para sayo in the future..

    napadaan lang..

    ReplyDelete
  13. Yung brief mo yun Goyo! Sa susunod huwag ka na mag-brief. At kapag sinabing hubad.. hubad! Pag sinabing giling.. giling!

    ReplyDelete
  14. painterview lang ng painterview pre... para masanay sa pressure at praktis na rin sa mga interview questions, pagdating ng pinakagusto mong work, wasak na wasak interviewer mo sayo! gudlak!

    ReplyDelete
  15. goyo, learning experience yan! you did a good job!

    ReplyDelete
  16. buti kapa gagraduate na.. Kmi mtgl tgl pa..

    ReplyDelete
  17. tama si AIM, pa interview ka lang ng painterview tapos ma build na yung confidence mo as you get to talk to a lot.

    Kaya yan! Kampay!

    ReplyDelete
  18. marami pang call center dyan sa tabi tabi pre! hehehe

    ReplyDelete
  19. Nakakakaba talaga ang unang days ng paghahanap ng trabaho. Pero kun gano man ang mapasukan mo, Call Center o hindi, maniwala ka saken based on experience eh marami kang matututunan. Related man sa kurso mo o hindi. At habang tumatagal mas magiging confident ka na magsalita sa interviews, mas comfortable, habang tumatagal.

    Anyways, tungkol sa resume, in my experience kapag lampas three pages ang resume eh nakakantok na. Maximum ng two pages dapat. Atribidang tip ko lang naman. Sandali lang naman ako nagtrabaho sa HR. Haha.

    Andsaklap naman pag may mga Pinoy abroad na itinatanggi na maging Pinoy. Nakakalungkot.

    Anyways, apply lang ng apply! :D

    ReplyDelete
  20. wow congratz at malapit ka na makagraduate.

    alam mo totoo naman ung sinabi ng kanong yan, alam mo din ba na kapag napunta ka sa ibang bansa gaya ng singapore at mga kalevel nito ay mas nanaisin mo pa ngang don na lang tumira. nakakalungkot pero totoo.

    ReplyDelete
  21. ok lang yun goyo... ako din di nakapasa sa convergys nyahaha.. to think na comm arts ako at may cc subject kami sa skul.. togoinks...

    di ka daw para sa cc.. mababalahura ang pagkatao mo dun.. hehe.. pero try lang ng try..

    congrats sa pag akyat sa entablado at sa totoong mundo! haha...

    yung word verification ko LARGE.. nakanang.. oo na ikaw na MALAKI. hehe

    ReplyDelete
  22. dami pang job opportunities jan, go! at about dun sa kano..haha..nakakataba nga ng puso ung mga sinabi niya lalo na sa isang tao na hate ang pinas haha...pero i lab pilipinas haha...anyhooo.....sana makahanap ka na ng libangan na may sweldo hehe bago ka makagraduate ^^

    ReplyDelete
  23. Hello naman...Huli man daw ok lang basta nakakaalala....salamat sa pagdalaw at pag accept sakin bilang blog mates...

    Cheers....

    ok lang yan...Marami pang chances....

    sa susunod....
    ps....dalaw ka ulit sa blog ko ha...

    hihintayin kita....

    hehehe

    ReplyDelete
  24. It was a good read at matapang ka na inamin globally na bumagsak ka sa interview mo. Goodluck on your next job interviews.

    ReplyDelete
  25. bad experiences teaches us to stand and do more thing, whether it'll be bad again, who cares....:)
    gudlak sa grad.

    ReplyDelete
  26. @GOYO hehe I try nga to update everyday eh, pagtinamad naman ako lagi talagang tamad hehe as in weeks before I post hehe

    ReplyDelete
  27. OK lang yan pareng Goyo ah! Been to that ah kasi di ako sanay sa group interview at first! At least experience dba? Magkakaroon ka rin yan ng confidence kasi sa experience na yan, alam mo kung san ka nagkulang dba? GO! Happy NEw YEar!

    ReplyDelete