Pages - Menu

Tuesday, December 21, 2010

Saranggola Blog Awards 2010

Ilang buwan na rin ang nakalipas noong mabalitaan ko ang isang event na kung tawagin ay Saranggola Blog Awards. Sa simula pa lang ay nagkaroon na ako ng interes sa pagsali dito.  Bukod sa bagong karanasan sa mundo ng pagbablog, gusto ko rin makalaban sa isang paligsahan sa pagsulat ang ilan sa mga hinahangaan kong blogger na alam kong sasali sa SBA. Naghintay ng ilan pang mga buwan sa pagsisimula. At sa wakas dumating na nga ang simula ng pagpapasa ng mga entry. Noong una ay balak ko talagang salihan lahat ng kategorya lalo na noong nalaman ko na maganda pala ang mga premyong makukuha. Pero hindi ako makahanap ng tyempo sa paggawa ng lahok. Bukod sa pagiging tamad, naging abala rin ako masyado sa ibang mga bagay na hindi naman ganun kahalaga.

Ang hirap palang gumawa ng kwento kapag pilit na pilit. Noon namang nakaisip na ako ng dalawang paksa para sa Maikling Kwento at Kwentong Pambata, hirap na hirap naman akong itipa ang kabuuan ng kwento. Lagi kasi akong inaatake ng katamaran. Dumating ang huling araw ng pagpapasa ng entry, kailangang kailangan kong makagawa at maipasa ito sa oras. Sa awa naman ni Bro, tila bumagal ang oras at umabot ang nag-iisa kong entry para sa Maikling Kwento, ang "Gabay".

Swerte na lang din siguro na nagustuhan ng mga judges ang entry ko na 'to at nakapasok sa finals. Sa tulong na rin ng mga kaibigan at kapwa blogger, nakalikom ako ng sapat na boto para maipanalo ang paligsahan. Maraming salamat sa mga bumoto. Maraming salamat sa mga sapilitan kong pinaglike ng entry ko.


Nakakatuwang isipin na sa ganitong event pa ako makakatanggap ng isang karangalan. Hindi naman kasi ako consistent honor student noong nag-aaral pa ako sa hayskul at elementary. Madalas pang-onse lang ako kapag finals na. Ito na nga ata ang pinakamataas na karangalang natanggap ko. Dahil dito, wala talagang mapagsidlan ang kaligayahan na nararamdaman ko sa ngayon. Bukod sa karangalan sa pagtanggap ng award, nakakatuwang isipin na ang mga hurado sa nasabing event ay talaga palang mga bigtime at hindi basta basta. Ilan sa kanila ay mga Palanca Awardee, nakakakilabot. Aminado man ako na mas maraming entry ang mas magaling, masaya pa rin ako at ako ang pinalad.


Isang larawan kasama ni Ms. Beverly Siy na mas kilalang "Bebang", Ms. Wennielyn F. Fajilan, Sir Pat Villafuerte na sobrang cool at ngayon ay friend ko na sa facebook at si Ma'am Mila Aguilar. Kasama rin sa larawan ang dalawa pang winners para sa Kwentong Pambata at Tula. Syempre si Sir Bernard Umali na nag-organisa ng napakagandang event na ito.


Si Katrina Balones na nanalo sa Tula. Nakakatuwa si Kat dahil unang beses n'ya sa Maynila. Para sa Saranggola Blog Awards, pumunta sya dito kahit galing pa s'ya ng Visayas. S'ya rin ang pinakamahigpit kong kalaban sa Maikling Kwento. Talentadong bata.

Siya naman si Edwin Leceta na nagwagi sa Kalabasa Award bilang "Hari ng Sablay" at nawala ang picture sa itaas. Nakatabi ko s'ya sa panonood at pakikinig ng buong programa. Madami dami rin kaming napagkwentuhan. Nakakatuwa s'ya kasi nasa event s'ya kahit wala pala s'yang blog. Tibay. May nag-imbita raw sa kanyang isang kaibigan. Isa raw s'yang accountant at chef na laging sumasali sa mga cooking contest. Susubukan din daw n'yang magblog at tatalunin n'ya tayong lahat sa susunod na taon. Sa isang cooking contest na sinalihan n'ya na nagkataong may botohan online, wala man lang bumoto sa kanya kasi halos lahat ng kalaban n'ya ay mga blogger din. Kawawa. Tuwang tuwa talaga ako sa kanya, isa s'ya sa nagpasaya ng gabi ko. Hari ng Sablay talaga at napakaswerteng nilalang. S'ya photogenic, ako hindi.


Ang Pinoy Henyo. Sa totoo lang inis na inis ako noong gabing 'yun dahil hindi ko nahulaan ang sagot. Lagi pa naman kaming nagpapraktis ng kapatid ko kapag wala kaming magawa. Lintek na "pagkain" 'yan, nakalimutan kong may kategorya palang ganun e ang takaw ko. Sayang lang ang pagiging chubby ko.


At syempre lahat ng tao na dumalo sa pagtitipon na ito. Sa mga bagong ka-blog, at sa ilang mga taong matagal ng nakakulitan sa internet na sa wakas ay nakita na rin ng personal. Sa uulitin! Sana mas matagal ko pa kayong makasama sa susunod na makita ko kayo para mas makilala ko pa kayo sa likod ng mga blog natin.

Muli, maraming salamat sa Saranggola Blog Awards para sa napakagandang karanasan na ito. Sa organizer, mga blogger, at sa lahat ng taong sumuporta. Sa susunod na taon ulit!

Buti na lang talaga at nanalo ako. Tuwang tuwa tuloy ang ermat ko at may pandagdag na kami sa darating na Noche Buena. Ang problema na lang ngayon ay kung paano ako makakapunta sa Boracay.

Napaka-humble ng post na 'to, pwera biro.


23 comments:

  1. Mahirap talagang kalaban ang katamaran. Maraming beses na kong sumubok sumulat ng makabuluhang bagay sa wikang Filipino pero wala, boplaks talaga ako sa mga ganyan. Haha.

    At kinikilig ako sa inyong dalawa ni Kat. Haha.

    Congrats uli Goyo. Sana maisipan mong ipa raffle nalang yang pang Boracay mo. Bwahahahaha. :p

    ReplyDelete
  2. Looks like it's a fun-filled event...bagay kau ni kat hahaha...

    Kongratschumeleyshuns! hehehe...AYOS!

    ReplyDelete
  3. congrats!

    nanliliit ako lalo pag mag katabi tayo, pakiramdam ko, matatapakan mo ako.

    bwahaha... crush din ni jasonhamster si kat...

    oo nga, ipa raffle mo na lang yung napanalunan mo.. hehe

    ReplyDelete
  4. Muli, congratulations sa yo at kinagagalak ko na makilala ka.

    ReplyDelete
  5. Dear Goyo.
    Iba ka na talaga.
    Big time
    Isa ka nang celebrity blogger haha :]
    JOKE
    Congrats sa iyong pagkapanalo :]
    sa susunod na taon sana ako naman ang manalo. JOKE
    wag mo kalimutan ang blog kop pag sumikat ka na :]]
    hehe
    -renz

    ReplyDelete
  6. Last minute ka na nung magpasa ka naalala ko..lupeet! Congrats ulit.

    ReplyDelete
  7. wow, ang lufet mo parekoy!! kongrats!! pa-sanmig ka naman.

    blogenroll \m/

    ReplyDelete
  8. congrats goyo! anlaki mo pala in person at ngayon bigatin ka na din! hehe nice to meet you and congrats ulit! :)

    ReplyDelete
  9. congrats kuya!^^

    meeting with friends and meet a future lovelife?hehee joke!

    ReplyDelete
  10. congrats goyo! party! party! merry christmas and God bless+

    ReplyDelete
  11. may award na, may bago pa atang lablayp. ^^

    ReplyDelete
  12. hintayin mo ako next year, di ako pwede sa peba kasi volunteer ako dun, sa SBA kita kakalabanin! lolzz joke, pero balak ko sumali :D

    Congrats parekoy! :)

    ReplyDelete
  13. whahha inggit di ako nakasama.. bali na lang ako next year heheh :D

    ReplyDelete
  14. naalala ko si kuya edwin! :) sabi niya tatalunin niya ako next year, natakot tuloy ako. hahah. sana nga mag-blog na siya. :) Masaya talaga ang SBA, tawa lang ako ng tawa sa mga hirit nila eh. hahah

    congrats goyo! :)

    syanga pala, hindi ako mabait pero cute talaga ako. hahah. :) ang kapal ko lang. XD

    gandang araw saýo! :)

    ReplyDelete
  15. congrats goyo.

    hirap talaga yang penoy henyo pag ikaw na ang nanghuhula. mas madali pag nanonood ka lang sa tv. hehe.

    ReplyDelete
  16. Uyyy! Inamin na karas nya si Kat. Sabagay kung may bayag din ako karas ko din si Kat. Congrats Goyo, sana sa susunod mas makakwentuhan pa kita, mukhang madami akong matututunan sa 'yo. *wenk*

    ReplyDelete
  17. Congrats!!

    Sana makasali din next year. =)

    ReplyDelete
  18. COngratz pareng Goyo! YOu deserve it!..Keep it up!

    ReplyDelete
  19. Nuuuuuuuxnaman!

    Congrats Goyo! :D

    ReplyDelete
  20. Sinusubukan lang mapasalamatan isa-isa lahat ng nag-"follow" nitong nakaraaang taon. Belated Merry Christmas nga pala. Advance Happy New Year. Belated congratulations sa panalo mo. Advance congratulations sa mga susunod mong panalo.

    ReplyDelete
  21. congrats goyo! celebrity blogger right??hehe :) merry christmas nad happy new year sayo! :)

    ReplyDelete