Pages - Menu

Tuesday, May 3, 2011

Munting Hiling

Ito ay konting update lang sa buhay ko na binubulutong. Paggaling na ng mga bulutong ko tsaka ko ikukwento ang buong detalye tungkol dito. Hindi pa kasi tapos ang documentation na ginagawa ko. Hanggat hindi pa magaling lahat ng bulutong sa katawan ko, hindi pa ako pwedeng maglabas ng mga larawan at detalye tungkol dito. Isa 'to sa mahigpit na utos ng manager ko.

Noong isang taon, nagbaka-sakali ako na may isang milyonaryong bored sa buhay na nagbabasa ng blog ko at mauuto ko na bigyan ako ng SLR at laptop para sa birthday ko. Sa kasamaang palad, wala palang milyonaryong nagbabasa dito. At hanggang ngayon, wala pa rin akong kamera at laptop. Itong desktop computer pa rin ang kasama ko sa pagsusulat ng kung anu-anong kwentong parang wala na atang nagbabasa.

Tinanggap ko na rin ang katotohanan na mahirap talaga ang buhay ngayon. Hindi ako makakalimos ng kamera at laptop sa mga tao. Pero kung isa ka talagang milyonaryo na natulungan ng blog ko na makapagpalipas ng oras, parang awa mo na... laptop at kamera lang naman ang hiling ko.

Wala nga, 'wag ka ng makulit. Oo na sige tanggap ko na. Hindi man siguro ako naging mapalad sa mga materyal na bagay, marami naman bagong mga pangyayari ang magaganap sa buhay ko. Ito na siguro ang isa sa pinakamagandang regalo na matatanggap ko sa kaarawan ko. Ang kasiguraduhan na sa wakas makakaalis na ako sa kolehiyo.

Pero bukod dito, may munting regalo pa akong gustong matanggap sa birthday ko. Matagal na 'tong nauso sa blogosperyo, makikigaya na rin ako. Wala naman 'tong pilitan, kusa kusa lang. Kung wala, okay lang. Kung meron, doble ang saya ko sigurado. Sabihin na lang natin na sukatan 'to kung may mga tao ba talagang nagmamahal sa'ken dito sa internet at pagbablog.

Simple lang naman ang gagawin n'yo mga 'tol, sis, pre, brad, at mga kaibigan. Gusto ko lang naman po na bigyan n'yo ako ng simpleng picture greeting para sa birthday ko sa huling linggo ng buwan ng Mayo. Paano nga ba gumawa ng picture greeting?

1. Kumuha ng kahit anong panulat at kahit anong pwedeng sulatan. Isulat ang "Happy Birthday Goyo" o kahit ano pa dito. Depende sa'yo kung gaano ka ka-creative.

2. Kumuha ng kamera at kuhanan ang sarili kasama ng isinulat mong greetings para sa'ken. Parang katulad ng larawan sa ibaba, pero hindi ganun ang nakasulat.


3. Pwede ring ibang style. Depende sa maiisip mo. Pero mas trip ko tagala ang ganito, o di kaya naman whole body kita ang buong kurba ng katawan mo at nakasulat ang isang umaatikabong greetings galing sa'yo. Okay lang ang edited pero astig pa rin kung hindi at kita ang maganda/gwapo mong mukha.

4. Ipadala ang larawan sa email address na ito:  
goyox1989@gmail.com. Hihintayin ko ang mga picture greetings na ipapadala n'yo hanggang May 24, 2011. Pwede namang humabol kahit late, donchaworry.

5. Kung sobrang galante ka naman, tumatanggap din ako ng cash.


Sobrang dali lang naman diba? Kahit sino pwedeng magpadala. Kahit mga simpleng mambabasa lang, blogger o kahit sino ka pa. Ang mahalaga mahal mo ako. Aasahan ko kayo ha. Tatanawin ko talagang malaking regalo ang lahat ng matatanggap ko galing sa inyo.


Magkalimutan na tayong lahat kapag wala akong natanggap kahit isa. 
Hihintayin ko kayo! Maraming salamat nga pala kay ate sa larawan para sa pagde-demo.

17 comments:

  1. Maligayang Kaarawan Goyo! wait 4my picture greeting yes.

    ReplyDelete
  2. Pagaling ka brader! Uhmmm..magbibigay ba ako ng pic greeting? wag na ! lolz!

    xa cge isusunod ko na...pero d mua ngayon hehehe...

    ReplyDelete
  3. Sakit ng bulutong na iyan pareng goyo! Sure, gagawa ako ng bday greetings sau, one of these days, check mo lang email mo!

    ReplyDelete
  4. ok! asahan mo ang picture greeting ko para sa yo :D

    ReplyDelete
  5. get well goyo..

    heypi birthday..

    makasend nga=)

    ReplyDelete
  6. Sige IDOL. tutal magbebertdey ka na.

    ReplyDelete
  7. pagaling ka sir. Try ko gumawa ng pic greet :D

    ReplyDelete
  8. sosyal mo ha.. lappy and camera ang gusto hehhee...
    magaling ka bro ha :D
    pude ibang style ng pic greet ang ibigay ko heheh :D

    ReplyDelete
  9. Get well po, and advance happy birthday na rin. :)

    ReplyDelete
  10. nawa'y gumaling ka sa iyong sakit.

    Advance Happy birthday!!!

    ReplyDelete
  11. oh siya sige magpapadala ako ng picture greeting kaso saan ko ipapadala?hehehe

    ReplyDelete
  12. okay sige picture greeting lol hahaha at hindi edited na text. picture na picture ang dating, yebah.

    ReplyDelete
  13. flattopsatcurlytopsMay 8, 2011 at 2:26 PM

    kailan ba birthday mo? hehehe nakita ko lang post mo sa email ko about dito, kaya napadpad muli ako dito.. hehehehe libre naman dyan.. hehehehe

    ReplyDelete
  14. try ko magpadala ng picture :)

    ReplyDelete
  15. Nawa ay makapagdala kayo. Pampasaya lang sa birthday ko dito sa cyberworld. :D

    ReplyDelete
  16. advance happy birthday. let me know once you recieved my pic-greetings. a trip to abuhabi sealed with a kiss.

    ReplyDelete