Pages - Menu

Sunday, July 17, 2011

Shocking ka 'teh!

Hindi naman mangyayari ang mga bagay na 'to kung may pera ako, s'ya o kahit sino sa'ming dalawa, tatlo, apat, sige tayong lahat. Kung may pera kasi ako, 'yung maraming pera, ay bibili ako ng kotse, kapag may kotse na ako malamang hindi na ako mamomroblema sa pakikipagsiksikan sa jeep o di kaya naman ay pipila ng sobrang tagal para lang makasakay sa FX. 'Yun lang naman ang solusyon sa mga pangyayaring 'to kahapon. Ito 'yung conclusion ko na hindi ko rin alam kung bakit napunta sa unahan.

Hindi na bago sa akin ang umuwi ng alanganing oras. Hindi naman talaga alanganing oras ang alas singko pero para sa kaso kong probinsyano na madalas abutin ng siyam-siyam sa byahe dahil sa trapik, maraming tao at 'yung rush hour na tinatawag, mukhang alanganin nga talaga ang alas singko. Kung dati ay dalawang tricycle lang nasa Crossing na ako, ngayon naman ay dalawang jeep pa ang sasakyan ko galing sa bago kong boardinghouse. Pagdating sa Starmall, kahit alam kong parang snake na sa 3210 ang haba ng pila ay sinubukan ko pa ring pumunta, nagbabakasali na tinamad ang mga tao na umuwi ng araw na 'yun at ipinagpaubaya na nila sa akin ang pagsakay sa FX ng walang kaagaw sa pila. Tulad ng inaasahan ko, mahaba ang pila. Malamang. Biglang liko na lang ako sa loob ng mall para jumingle at magpa-pogi sa harap ng salamin, ewan ko kung pagpapa-pogi pa rin ang tawag dun kahit hindi na ako pogi ngayon.

Pagkatapos kong jumingle sa banyo sa nasabing mall na nagtataka ako kung bakit mga babae ang naglilinis minsan, kaya pala ang tagal umihi ng mga tao dito, ay mabilis na akong pumunta sa pila ng jeep 'di kalayuan sa pila ng FX. Nag-abang agad ako ng jeep para makapwesto ng komportable, kapag ganitong rush hour panget umupo sa unahan, masyado kasing mainit dun, uso kasi ang mga jeep na may pinto sa mga byaheng Crossing - Tanay. Dahil dun, 'yung dalawang upuan sa likod ang target ko madalas. Minalas ng konti, sa pangalawang pwesto malapit sa unahan pa ako napaupo. Pare-pareho lang kami ng iniisip ng mga kasabay ko. Katabi ko ang isang babae na mukhang mabait naman. Pinili ko ang tumabi sa kanya kasi noong una e tumitingin-tingin pa s'ya sa akin, mas okay na rin 'to kesa naman makipag-pigilan ako ng hininga sa tulad kong mga pawisang barako.

Ilang minuto pa ay napuno na sa wakas ang jeep. Trenta pesos ang pinaka-malapit kasi galing daw sa pila, 'yun 'yung sabi ng kundoktor na bigla na lang umextra sa kwento ko. Sobrang init sa loob ng lata na 'to. Payabangan kami ng mga kasabay kong barako, patibayan kung sinong huling mag-aamoy putok. Walang kahangin-hangin sa labas ng sasakyan. Bumper to bumper pa ang trapik. Sobrang tahimik. Lahat nahihiyang magsalita at maamoy ng katabi nila ang mga bunganga nila. May bumasag ng katahimikan, kahit ako nagulat nung nagkagulatan 'yung dalawang babae na sumasandwich sa akin sa upuan. Nagkagulutan na magkakilala pala sila at napansin lang nila 'yun tatlumpung minuto ng umaandar ang jeep. Mabagal na pag-andar dahil sa trapik.

Ganitong mga pagkakataon talaga ako antok na antok, 'yung sobrang init na talagang nakakainis ang pagtulo ng pawis. Kung hindi pa nga nalaglag ang cellphone ko sa sahig ng jeep, hindi ko pa mapapansin na naidlip na pala ako. Teka, sino bang tao ang nakapansin na nakatulog s'ya habang tulog. Wow.

Itinuloy ko ang pagtulog pagkatapos kong isilid ang cellphone ko sa bag na higit isang libong beses ng nalaglag sa parehong pagkakataon, inaantok sa jeep. Nakahanap ng pwesto ang ulo, bumagsak ang mga mata. Pero bago mawala ang ulirat ko, naisip ko rin na matitibay pala talaga ang mga driver. Konting pambobola ko para hindi s'ya antukin sa pagda-drive. Muli akong nagising, parang 'matik na talaga sa akin 'to na paglampas sa Antipolo ay magigising na ako sa byahe. Bitin pa rin 'yung tulog ko, pinilit ko ulit matulog. Lutang na lutang ako dahil sa antok. Pagtingin ko sa paligid, 'yung driver at kundoktor lang ang gising. Muli akong tumungo. Mga dalawampung minuto siguro ay biglang may nagsalita, humarap ako sa pinaggalingan ng boses. 'Yung babaeng katabi ko na sinabi ko pa noong una na mukhang mabait. Dumakdak s'ya sa mukha ko at buong tapang na ipinagmalaki ang amoy ng hininga n'ya, "Ayusin mo naman. Nakakasagi ka na ng katawan at...". Pagkatapos nun ay bigla s'yang nag-murmur ng kung ano. Halata sa kanya ang pagkainis. Malamang dahil 'to sa pagdikit ng katawan ko sa kanya, o di kaya naman ay ang paghilig ng ulo ko sa balikat. Mabilis akong lumayo ng upo sa kanya at pilit kong isiniksik ang sarili ko dun sa matabang nasa kabilang gilid ko na kakilala n'ya nga pala. Korner ako sa isip-isip ko. Gusto ko sanang magsalita pero tiniis ko na lang na magtahimik. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at mabagal na nagtext. Ipinapabasa ko talaga sa dalawang katabi ko ang mga itinatype ko. Gusto kong mabasa nila na naiinis din ako sa kanila, mga paker.

Unang-una, naiinis ako dun sa babaeng nagsalita sa akin. Akala n'ya siguro e sinasadya ko ang pagsagi sa parang kahoy n'yang katawan. May taste naman akong unggoy ka. Kung ayaw mong masagi, sana nag-taxi ka. Pero dahil pareho lang tayong walang pera, eto ka ngayon at kasabay ko sa jeep kaya magtiis ka kung siksikan tayo dito. Pangalawa, okay lang naman na magtaray e. Pero gaya ng sabi nila, mag-inarte ka ayon sa ganda mo. Kung singlambot siguro ng dede ng mga bold star 'yang dibdib mo, o di kaya naman e coca-cola 'yang katawan mo, dapat lang siguro na magalit ka kapag may dumikit sa'yo. Malinaw na pangmamanyak 'yun. Pero dahil nga hindi naman ganun ang katawan mo, hindi nabiyayaan pati ng mukha, magtiis ka na lang at magpasensya na minalas kang siksikan tayo sa jeep.

Pumara ang ilang barako na kasakay ko. Lumipat ako ng pwesto para na rin makaiwas sa feelingerang babaeng kahoy na 'yun. Pagtayo ko para lumipat sa kabilang upuan, nagsalita pa ang kahoy, "Haayys sa wakas...". Tang ina nakakapikon, puta! Sumabat pa 'yung mataba n'yang kakilala na sa wakas ay makakatabi na n'ya sa upuan, "Okay lang 'yan mars.".

Magsama kayo mga panget na matatanda! 'Tong mukhang to gagawa ng masama? Mga asa! Kung sino pa 'yung mga panget sila pa 'yung madalas mag-inarte ng wala sa lugar e, shocking ka 'teh! Pakyu kang king ina ka!

Buti na lang talaga at napakabait kong nilalang. Muli ay hindi ako nagreak at pinagdasal ko na lang na sana ay yumaman na ako at makabili ng sarili kong sasakyan.

Nga pala, okay palang isabit minsan sa title 'yung isa sa kinabubwisitan mong salita, diba 'teh? Tang inang 'teh 'yan, uso! Pero 'yung mukha nung ate sa jeep, laos pa rin!

18 comments:

  1. nakakainis yung mga ganung tao kapag makakasabay mo sa jeep o kahit na anong sasakyan. sarap bigwasan.

    -khanto

    ReplyDelete
  2. Natutuwa ako sa istilo ng iyong pagkukuwento.. Hindi nakakainip at nakakawili... :)

    ReplyDelete
  3. wheatus_flattopsJuly 17, 2011 at 7:37 PM

    baka type ka ni ate at nadisappoint sya kasi di mo minanyak. hehe =P biro lang!

    ReplyDelete
  4. feeling ba s ate? hehe sabagay nakkainis nga ung mga di kagandahan e ang lakas ng loob magsalita

    ReplyDelete
  5. baka naman nirereverse psychology ka lang ni ate. hindi mo napansin na invitation lang yun para sagiin mo sya lalo. or baka naman kase, gusto lang nyang i-emphasize sa iba na hindi sya panget, kahit na ng obvious na. ikaw naman, konting tulong lang, hindi mo pa napagbigyan. :P

    o may mga ganun talaga, paniwalain lang ang sarili nilang hindi sila kaaya-aya, magmamasungit at nagfefeeling kaakit-akit. lolz. ang bitter ko teh!

    ReplyDelete
  6. edit***

    o may mga ganun talaga, paniwalain lang ang sarili nilang kaaya-aya sila, magmamasungit at nagfefeeling kaakit-akit. lolz. ang bitter ko teh!


    (anu ba yan nakakahiya, nagkakalat pa ko dito. sowree! :D)

    ReplyDelete
  7. na-fefeel ko yang ganyang siksikan at init pero antok na antok ka na talaga, wala ka ng pakialam sa mga tao sa paligd mo :))

    ReplyDelete
  8. ang arte lang ng mga teh! Hehehe. bad trip talaga ganyan. mga buwisit hahahah

    ReplyDelete
  9. ako naman sa mga ganyang pagkakataon gagamian ko sila ng freedom of expression... hahaha

    ReplyDelete
  10. sana sinabihan mo "te, maganda ka te?!" :))

    ReplyDelete
  11. natawa naman ako.. ang arte lang talaga ng mga teh na yun ha.. putakTEH sila.. ang gaganda hahaha...

    ReplyDelete
  12. Pagpasinsiyahan mo na lang si ate may malaking problema siyang di niya na kayang dagdagan pa.Mabigat ka daw kasi.Naaalala ko din ang mga eksenang ganyan yong nakakatulog sa Jeep at napapasandal sa katabi.
    Pero yong iba naman ok lang naman naaawa sila lalo na pag mukhang estuyante at puyat ang ang inaantok.

    ReplyDelete
  13. Shocking siya! Temaarts. In fairness, malambot naman ba? LOL.

    ReplyDelete
  14. Sana minsan makasalubong kita sa sakayan sa starmall. LOL! Marami namang ganyan sa jeep. Feeling maganda/gwapo alaws naman dating! .\/.

    ReplyDelete
  15. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  16. Sana nga e. Anong oras ka ba dumadaan dun? Haha. Walang anuman, masarap kasi magbasa. =)

    ReplyDelete
  17. ahaha! ang kulit. I think everyone can relate to this.

    at talagang naisingit ang "Teh!" pinilit. lol! Ang ikinaiinis ko naman yung mga babaeng kala mo commercial model ng rejoince kung ipagwagwagan ang buhok sa muka ko. Badtrip.

    thanks nga pala sa pagbisita sa blog ko. =)

    ReplyDelete
  18. Ang haba ng hair mo teh!Yan mga ganyang tao ang mga tinutulak papalabas ng jeep habang umaandar.char!

    ReplyDelete