Tutal uso 'tong shit na ganito sa mga social networking site lalo sa telebisyon, aba'y ipapaalam ko na rin sa inyo kung gaano ako kagalante at kabuting tao. Mas galante pa kay Nipoles. Panis din ang ginagawang pagtulog ng mga pulitiko - este pagtulong nila tuwing malapit na ang eleksyon. Tinalo pa nga si Santaklaws e - sa kabundatan.
Hindi planado, biglaan lang, pero bukal sa kalooban - pati sa bulsa. Walang halong pagsisisi, lalo naman ang panghihinayang. Solidong produkto ng kabutihang loob. Sa totoo lang, ayoko na sanang ipagyabang pa 'to e. Alam naman kasi ng nasa itaas kung gaano kabusilak ang kalooban ko. Anyway, simulan na natin ang pagyayabang. Kanina pa ako kating-kati na isampal sa inyo ang good deed ko para sa araw na 'to.
Nasabi ko na noong nakaraan na alipin ako ngayon ng isang telco, ibig sabihin walang holiday. Ewan ko kung may koneksyon ha, pero sa pagkakaalam ko kasi hindi natutulog ang negosyo kaya wala ring karapatan ang mga provider na magpahinga. Kung hindi mo naiintindihan ang mga pinagsasasabi ko dito, puro Facebook at pagpopost lang siguro ng suso ang inaatupag mo. Napansin ko lang na parang yumabang ata ako ng kaunti simula noong nagkatrabaho ako. Ang dami kong satsat, game na.
Huling gabi ko noong Biyernes bilang multo sa 2100H - 0600H shift. Ibig sabihin, hindi ako nakapagpa-cute sa sementeryo suot ang pamasko ko. Umaga na rin ng Sabado ako nakauwi. At pag-uwi sa medyo maluwag naming apartment na siyam na libo ang upa kada-buwan labas pa ang bayad sa tubig at kuryente, syempre natulog lang ako maghapon pagkatapos kong tumirada ng bulok na sisig at dalawang kanin. Alas-siete pasado ng gabi na rin ako nagising. Balak ko sanang hindi umuwi sa Rizal at magpasama na lang sa isang bebot para gumawa ng sangkatutak na tiyanak pero naalala ko naman bigla na wala nga pala akong syota kaya bumatsi na lang ako kahit alanganin na.
Para akong action star habang nagyoyosi at hinahangin-hangin pa ang buhok - sakay nga lang ng tricycle. Pagdating naman sa loob ng van, kapag suswertehin ka nga naman, may makakatabi kang chikas. Todo pa-cute tuloy ako. Hawi ng buhok dito, kagat ng bahagya sa lower lip, tapos babasain pa ng kaunting laway para shiny. Plano ko sanang kilalanin e, pero tinamad din ako. Nahiya kasi akong ipagngudnguran sa mukha n'ya 'yung panget kong cellphone. Ipinagdasal ko na lang tuloy na sana mabulunan s'ya dahil wala pang limang minuto e naubos na n'ya 'yung dalawang slice ng pizza na ewan ko kung anong tatak.
Mahina rin ang loob noong si ate e. Tingin nang tingin sa'kin, hindi pala gagawa ng first move. Torpe amputsa. Bibigay naman agad ako.
Pagdating sa Tanay, pagbaba pa lang ng van dumukot agad ako ng isang yosi tapos dahan-dahan na nagsindi. Kailangang i-maintain ang angas e. Mahirap na, baka maungusan pa ng mga tricycle driver.
Simot na ang mga jeep sa Tanay. Halos wala na ring pasahero. Kahit tuloy bitin ang ruta ng jeep na dumaan, pinatos ko na. Kesa naman gumastos ako ng dalawang daan sa pamasahe sa tricycle. Pagbaba sa Quisao (Eto 'yung lugar kung saan ako nahulugan ng sampung piso habang sakay ng jeep e, kung tanda n'yo pa.) s'yempre sindi ulit ng yosi. Sabi kasi ni Tito Robin, dapat may angas para mabugbog. Dito na ako naghanap ng masasakyang tricycle pauwi sa lugar namin. Tyempo rin dahil may nakasabay ako na kalugar. Kahit alam kong medyo mahal pa rin 'yung tagsesenta na singil sa 'min, larga na. Uwing-uwi na talaga ako. Wala na akong panahon para makipagtawaran pa.
Nagplastikan kami ng kaunti ng kasakay ko sa tricycle. Kunwari close kami kung magkwentuhan. Kamustahan kuno kahit wala naman talaga kaming alam sa buhay ng isa't isa. O pare, ilan na ang anak mo? Lalaki ba? Ayos 'yan. Taragis ka.
Pagdating sa kanto - Eto ang mahirap kapag nagkukwento ng byahe e, puro "pagdating" ang sinasabi. - sa lugar namin, nagpa-pogi muna ako ng bahagya kahit mga batang hamog na lang sa burgeran ang gising. Sabay dukot ng pitaka. Hanap ng tatlong bente. Sinilip ko pa sa ilaw ng poste kung tama ang nadukot ko. Mahirap na, baka mapasobra e. Tiningnan ko pa ulit, tapos inabot ko na doon sa kasakay ko para s'ya na ang magbabayad. S'ya naman kasi ang huling bababa.
Pagpasok sa bahay, umupo agad ako tapos sinilip ko ulit ang pitaka ko. Kapag suswertehin ka nga naman, may labis na isang bente sa sangkabentehang laman ng pitaka ko. Ang problema, nawala naman 'yung malutong na limang daan. Sino ba kasing amoy itlog ang nagsabing gawing ganun ang kulay ng bagong 500 peso bill? P'wede namang kulay utong na lang. O kaya singit. Para kahit madilim kahit hindi mo kita, alam mo kung ano ang kinakapa mo.
Sa totoo lang, nanghinayang din naman ako pero mga limang segundo lang. Pagkatapos ko kasing ikwento kay nanay, nakuha ko pang mag-abot ng delihensiyang kapingas ng sweldo ko na para bang walang nangyaring nakakabuwiset. End of story.
Babawiin ko na lang siguro sa huling araw ng Nobyembre. Pinagpustahan kasi namin ng katrabaho ko ang katamaran ko. Walang absent, walang late solid dapat sa loob ng isang buwan. Challenge accepted, motherfucker!
P.S: 0600H - 1500H nga pala ang schedule ko. May pupusta pa ba? Babush!
Swabe pa rin ang tipa. At inhinyero ka na pala. Apir!
ReplyDeleteKingina ka mag-update ka naman. :D
ReplyDelete