Pages - Menu

Monday, November 12, 2012

The Flash

Mabilis lang 'to. Sa sobrang bilis, mas matagal ko pang itinipa 'tong binabasa mo ngayon sa aktuwal na mga pangyayari.

Lumabas ako kanina para sa ini-schedule kong yosi break bandang alas-otso ng gabi. Sa kalagitnaan ng paglalakad, ginulat ako ng malamig na hangin sa ginawa nitong paghampas sa macho kong wankata. Tinirikan ako ng balahibo at biglang napahinto. Nakiramdam. Dumiretso ulit ng lakad pero may pag-aalinlangan.

Pagdating sa tindahan ay agad ginawa ang pakay. Tinawag ang tindera, kaliwaan sa pag-aabot ng apat na piso at dalawang pirasong panunog baga. Sisindihan ko na sana ang isang istik ng yosi gamit ang nakasabit na lighter, hanggang sa mapansin ko na lang ang sarili kong biglang nagwalkathon rekta sa kubeta, butil-butil ang pawis at may tatlong balahibo sa utong na biglang tumigas. Panalo ang Lakers dahil sa buzzer beater ko!

Habang nakaupo sa trono'y kinalikot ko na lang ang selepono para na rin makalimutan ko ang hapdi dulot ng malambot pero hindi swabeng ebak na pilit tumatakas sa katawan ko. Hanggang sa maisipan kong biglang itext at tanungin 'yung isa kong kaibigan kung kumain na s'ya, at ikwento na burarak ang jebs ko ngayon. 'Yung color yellow.

2 comments:

  1. wahahaha ang gross!!! XD

    sabi nila pantanggal daw ng panghe ang usok ng yosi sa kubets :D

    ReplyDelete
  2. haha.
    sakto ang yosi pagnatae kasu pag malambot parang di bgay.

    ReplyDelete