Pages - Menu

Wednesday, March 13, 2013

Supot!

Magta-tatlong linggo ko na atang paulit-ulit na ibinibilin kay ermat na bumili ng supot ng yelo. P'wede nating sabihin na nauubusan na ako ng gagawin dito sa bahay kaya naisipan kong magtinda na lang ng yelo imbes na magtikol maghapon at kumayod ng husto para makakita ng trabaho. Pasok na dahilan din na hindi ako binibigyan ng pera ng nanay ko kaya kailangan kong kumita ng kaunting barya para matustusan 'tong filthy habit ko. Ang sosyal pakinggan namputa, pero tama ka, yosi kadiri nga ang tinutukoy ko. Hindi ko rin itatanggi na nauubusan na ako ng pan-load kahit wala namang nagte-text sa - Teka nga, ako na lang ba ang gumagamit ng Nokia cellphone sa Pilipinas ngayon? Bukod sa lolo't lola mo ha. MyPhone kasi ang cellphone ng nanay ko.

Okay. So, pagkatapos nga ng tatlong linggo kong paghihintay na pasalubungan ako ng super nanay ko na hindi pa rin nakakagulapay sa dami ng utang kasi hanggang ngayon nga eh wala pa rin akong trabaho, sa wakas ay ibinili n'ya na ako ng supot ng yelo na White Horse ang tatak. Nakagawa na ako ng yelo pero may isa pa akong sobrang laking problema. Pinag-iisipan ko kasi kung maglalagay na ba ako ng karatula sa tarangkahan namin bukas para may matupad ako kahit isa man lang sa mga dahilan na isinulat ko sa itaas, o babalik ako sa orihinal kong planong gumawa lang ng yelo para may stock ako sa tuwing mag-iinuman kami ng mga tropapips ko. Magkano na ba ngayon ang bentahan ng yelong ginawa ng isang poging may lisensya pero nagpapalaki lang ng tiyan sa bahay? 'Yun talaga ang problema ko.

5 comments:

  1. double purpose 'yan: pwede mo ibenta, solb din dahil may stock ka 'pag may toma.. benta mo piso o dos depende sa laki.. hehehe

    ReplyDelete
  2. ay magandang bisnes yan ngayong summer hehe.

    3 pesos na yata ang yelo ngaun.

    ReplyDelete
  3. Kung saka-sakali nga palang ibenta ko 'tong mga yelong ginawa ko at biglang pumatok sa mga kapwa ko lasenggo dito sa lugar namin, baka isunod ko na rin ang pag-gawa ng ice candy para naman sa mga bata at isip bata. Summer na summer na! Haha!

    ReplyDelete
  4. hahaha, tagal ko di napunta dito..ganun pa rin ang tema, astig!

    piso ang inabot kong bentahan ng yelo sa pinas, ilang taon na nakakaraan, baka sampung piso na ngayon ang isa :D

    ReplyDelete